2nd booster pinayagan na sa mga edad 50 pataas, 18 to 49 na may comorbidities

by KC Cordero
Jul 27, 2022
A man being vaccinated
Para manatiling protektado ang mga Pilipino laban sa COVID-19, pinalawak ng Department of Health ang maaaring mabigyan ng bakuna sa isinasagawang nationwide roll-out at pinayagan na ang second booster para sa mga edad 50 pataas, at 18-49 years old with comorbities.

Maaari nang makatanggap ng second booster o ikaapat na dose ng COVID-19 vaccine ang mga edad 50 pataas, at maging ang mga edad 18-49 years na may comorbidities.

Ito ang inihayag ng Department of Health (DOH) noong July 26, 2022, sa pamamagitan ng National COVID-19 Vaccination Operations Center matapos maglabas ng mga bagong guidelines para sa isinasagawang nationwide roll-out.

Ayon sa DOH, alinsunod ito sa pinalawak na emergency use authorization na inilabas ng Food and Drug Administration, kung saan pinapayagan ang ilang COVID-19 vaccine brands na gamitin bilang second booster doses para sa expanded population groups.

Base rin ito sa mga rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council.

Ang Pfizer (Tozinameran) at Moderna (Spikevax) ang tanging mRNA vaccine brands na gagamitin bilang second booster shot, at ibibigay sa mga nakatanggap na ng unang booster o third dose makalipas ang apat na buwan.

Ang mga kuwalipikado sa second booster ay maaaring magpabakuna sa kanilang local government units (LGUs) o sa pinakamalapit na vaccination sites.

Continue reading below ↓

Kailangan nilang magdala ng valid ID at vaccination card.

Hindi na kailangan ng medical certificate, kahit ng mga indibidwal na may comorbidities.

Mayroon namang medical screeners o mga doktor sa vaccination sites na awtorisadong magdetermina kung ang isang indibidwal ay maaari o hindi puwedeng makatanggap ng second booster shot.

Magsasagawa rin ng house-to-house vaccination. Kailangan lang makipag-ugnayan ng mga residente sa kanilang LGUs para sa guidelines at schedules.

Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, “As vaccine immunity wanes over time, we are dedicated to helping our people remain protected against COVID-19.

“We are making it easier for as many of our people to avail of the primary series and boosters, including second boosters.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Para manatiling protektado ang mga Pilipino laban sa COVID-19, pinalawak ng Department of Health ang maaaring mabigyan ng bakuna sa isinasagawang nationwide roll-out at pinayagan na ang second booster para sa mga edad 50 pataas, at 18-49 years old with comorbities.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results