National ID, may 3 formats: printed, downloadable, at mobile

by KC Cordero
Jul 28, 2022
The three formats of national ID
Tiniyak ng Philippine Identification System (PhilSys) na anuman ang format ng PhilID, ito ay magiging functional at tatanggapin bilang valid proof of identification.

Magkakaroon ng tatlong formats ng Philippine identification (PhilID) cards: printed, downloadable, at mobile.

Ito ang inanunsiyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa pahayag na inilabas nito noong July 27, 2022.

Ang digital PhilIDs ay maaaring i-print, i-download, o i-generate gamit ang mobile app.

Magtataglay din ang mga ito ng katulad na validity functions ng physical PhilID cards, na ipinamamahagi na ngayon ng Philippine Postal Corporation, ang official courier partner ng PSA.

Ang printable digital ID format naman ay magtataglay din ng security features gaya ng nasa physical PhilID cards.

Mayroon din itong unique digital signature na naka-embed sa quick response (QR) code para sa safe authentication, na maaaring i-validate sa database ng Philippine Identification System (PhilSys).

Walang bayad ang pagkuha ng lahat ng formats ng PhilID.

Magsasagawa ang ahensiya ng pilot testing ng printable version ng digital PhilIDs sa October, at ilulunsad ang mobile version bago matapos ang kasalukuyang taon.

Continue reading below ↓

Ayon din sa pahayag ng PSA, bukod sa target nitong maipadala sa 30 milyon na ID owners ang kanilang physical cards, plano rin nitong makagawa ng 20 milyon na digital national IDs ngayong taon.

Tiniyak ni PhilSys Registry Office Deputy National Statistician Fred Sollesta na anuman ang format ng PhilID, ito ay magiging functional at tatanggapin bilang valid proof of identification.

Ani Sollesta, "The PSA is continuously working on the printing and delivery of PhilID cards to close the gap between the number of registered individuals and cards delivered."

priority ang mahihirap at maliliit ang kita

Ayon naman kay PSA Undersecretary Dennis Mapa, na siya ring National Statistician at Civil Registrar General, prayoridad sa pagkakaroon ng PhilID ang mga mahihirap at maliliit ang kita.

“This will immediately allow better access to more financial and social protection services through the provision of a free valid proof of identity while waiting for their physical ID,” pahayag ni Mapa.

Continue reading below ↓

Ipinaliwanag ng PSA na ang digital PhilID ay bahagi ng estratehiya ng pamahalaan para mabilis na mahatidan ng serbisyo at tulong ang mga Pilipino sa pamamagitan ng implementasyon ng isinabatas na national ID system.

Prayoridad din ng pamahalaan na mabigyan ng printed PhilID format ang mga benepisyaryo ng social protection programs gaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Magagamit ng ID owners ang digital printed PhilIDs at ang downloadable mobile ID application habang hinihintay nilang mai-deliver ang kanilang physical PhilID cards.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tiniyak ng Philippine Identification System (PhilSys) na anuman ang format ng PhilID, ito ay magiging functional at tatanggapin bilang valid proof of identification.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results