Unang kaso ng monkeypox, naitala sa Pilipinas

by KC Cordero
Jul 29, 2022
Monkeypox symptom
Kinumpirma ng Department of Heath na isang 31 anyos na Pinoy na nagbakasyon sa labas ng Pilipinas at nagbalik sa bansa noong July 19, 2022 ang nagpositibo sa monkeypox.

Iniulat ng Malacañang nitong July 29, 2022 na nakapasok na ang monkeypox sa Pilipinas.

Ito ay matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) na naitala na ang unang kaso ng monkeypox sa bansa.

Nagpositibo sa naturang sakit ang isang 31 anyos na Pinoy na nagbakasyon sa labas ng bansa at umuwi nitong July 19.

Sumailalim ang nasabing Pinoy sa reverse transcription–polymerase chain reaction (RT-PCR) test noong July 28.

Positibo ang naging resulta ayon kay DOH officer-in-charge (OIC) Undersecretary for Public Health Services Team Beverly Ho.

Hindi pinangalanan ang lalaking nagpositibo, at ayon kay Ho ay naka-quarantine na ito at isinailalim sa mahigpit na isolation at monitoring sa tahanan nito.

"This is not particularly fatal but it is of concern," ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa ginanap na press briefing sa Palasyo.

Ayon pa kay Cruz-Angeles, ang DOH ay “on top of the situation.”

Aniya, "So, the primary concern is to get the information out so that people will be aware, but also to be aware that the systems of DOH are in place."

Continue reading below ↓

Pinawi rin ng press secretary ang pangamba ng publiko at sinabing ang monkeypox ay hindi kagaya ng COVID-19.

"First of all, it's only one case, number one. Number two, as you can see, it does not affect the entire population. Number three, this is not like COVID that can be spread by air very easily and could possibly be fatal."

ANO ANG MONKEYPOX?

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang monkeypox virus ay naililipat sa ibang tao sa pamamagitan ng sugat o lesions, body fluids at respiratory droplets.

Kabilang sa primary transmission ang “intimate skin to skin contact” at maging sa pakikipagtalik.

Binigyang-diin ng health authorities na mahalaga ang palagiang paghuhugas ng mga kamay at pag-iwas sa mga indibidwal na hinihinalang taglay ang nasabing virus.

Kabilang sa mga sintomas ng monkeypox ang lagnat, matinding sakit ng ulo, pananakit ng mga muscle at likod, panghihina, pamamaga ng kulani, at pagkakaroon ng rashes sa balat.

Continue reading below ↓

Makakatulong sa pagpuksa ng monkeypox virus ang bakuna laban sa smallpox, ayon sa WHO.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kinumpirma ng Department of Heath na isang 31 anyos na Pinoy na nagbakasyon sa labas ng Pilipinas at nagbalik sa bansa noong July 19, 2022 ang nagpositibo sa monkeypox.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results