Bigas na PHP20 per kilo, mabibili na...sa Bicol!

by KC Cordero
Aug 2, 2022
The PHP20 per kilo rice
Na-inspire umano ang magpinsang Dindo Bataller at Elena Cascante Kipshoven ng Albay sa pagbebenta ng murang bigas ng vlogger na si Kakampink 101 kaya sinubukan din nila ito bilang tulong sa kanilang mga kababayan.

May mabibiling bigas sa halagang PHP20.

Good news ito lalo na't nasa range ng PHP40+ at PHP50+ ang halaga ng bigas kada kilo ngayon.

Iyon nga lang, available lang murang bigas sa Ligao City, Albay.

Dindo Bataller selling the PHP20 per kilo rice

Sa Facebook post ng AkoBicolOnlineTV noong August 2. 2022 ay makikita ang larawan ni Dindo Bataller habang nagbebenta ng bigas na naka-plastic at may timbang na isang kilo.

Continue reading below ↓

Ginawa niyang pansamantalang stall ang trunk ng kanyang sasakyan.

Bawat plastic ng bigas ay PHP20 ang presyo.

Buyers of PHP20 per kilo rice

Pinilahan at naging mabenta ang murang bigas sa mga residente roon. Agad ding na-sold out.

Ang murang bigas ay inisyatiba ni Dindo at ng kanyang pinsan na si Elena Cascante Kipshoven, na isang rice mill owner sa Barangay Mahaba.

Continue reading below ↓

Ayon kay Dindo ay naging inspirasyon nilang magpinsan ang vlogger na si Kakampink 101, na nag-try magbenta ng bigas sa halagang PHP20 per kilo.

Aniya, “Ang maganda pa po dito, yung mga bigas na aming ibinibenta ng PHP20 per kilo ay inani ng mga magsasaka ng Ligao.

“Kaya sigurado na magandang klase ng kanin ang pagsasaluhan ng pami-pamilya.”

Dagdag pa niya, nasa 10 sako ng bigas ang kanilang inilaan ni Elena para ibenta sa murang halaga.

Tinawag nila itong Kakampink 102.

Paliwanag ni Dindo, “Kaya naman ng gobyerno ang PHP20 per kilo ng bigas.

“Iyon ay kung isasantabi ang pansariling interes at talagang uunahin ang pagpapagaan ng buhay ng pamilyang Pilipino."

Ang pagpapababa sa presyo ng bigas sa PHP20 per kilo ay isa sa mga ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. noong kampanya.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Na-inspire umano ang magpinsang Dindo Bataller at Elena Cascante Kipshoven ng Albay sa pagbebenta ng murang bigas ng vlogger na si Kakampink 101 kaya sinubukan din nila ito bilang tulong sa kanilang mga kababayan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results