Validity ng birth, death, at marriage certificates, for life na

by KC Cordero
Aug 3, 2022
Photo of birth certificate
Dahil sa Republic Act No. 11909, permanente na ang validity ng birth, death at marriage certificates kahit anong petsa pa i isyu ang mga ito.

Hindi na kailangan ang palagiang pagkuha ng certificate of live birth, death, at marriage.

Ito ay matapos tuluyang maging batas ang Republic Act (RA) No. 11909, o ang “Permanent Validity of the Certificates of Live Birth, Death, and Marriage Act,” noong August 1, 2022.

Kung tutuusin, wala dapat expiry date ang mga inisyu na birth, death, and marriage certificates ng Philippine Statistics Authority at kahit pa noong National Statistics Office pa ang tawag sa tanggapan.

Kaya lang, may mga sangay ng gobyerno at pribadong kumpanya na hinihingi ang mga certicaties na ito na hindi dapat "older than six months from the date of issuance."

Ang mga certificates na ito ay kikilalanin at tatanggapin sa lahat ng transaksiyon sa gobyerno at pribadong sektor, at maging sa mga serbisyo na kailangang magsumite ang isang indibidwal ng proof of identity at ng kanyang legal status.

Samantala, ang Certificate of No Marriage o CENOMAR ay hindi kabilang at may bisa lang sa loob ng anim na buwan dahil posible ang paulit-ulit na pagpapakasal.

Continue reading below ↓

Ang RA No. 11909 ay inakda ng mga dating senador na sina Ralph Recto at Francis “Kiko” Pangilinan; at ng mga kasalukuyang senador na sina Sherwin Gatchalian, Joel Villanueva, Sonny Angara, Grace Poe, Cynthia Villar, at Nancy Binay.

Inisponsoran at isinulong naman ito ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., na siyang chairman ng Committee on Civil Service, Government Reorganization, and Professional Regulation sa 18th Congress.

Ayon kay Revilla, "Marami kasi sa ating mga kababayan ang lumapit sa atin tungkol dito.

“Dati-rati kasi, ang patakaran ng marami, dapat six months before issuance ang certificate para tanggapin nila. Kapag more than six months na, kailangang kumuha ka ulit ng bago.”

Inaasahang magiging malaking tulong ito sa ating mga kababayan, na bukod sa hindi na gagastos sa pagkuha ng panibagong certificates, ay hindi na maaabala sa pagpila sa PSA.

Ayon naman kay dating senador Kiko Pangilinan, “Good news ito lalo na sa mga kababayan nating nag-a-apply ng trabaho at eskuwelahan, nag-a-apply ng passport, at iba pa. Malaking tipid sa oras, pera, at pagod.

Continue reading below ↓

“Bilang principal author at co-sponsor, nais kong pasalamatan ang mga dati nating kasamahan sa Senado sa pag-apruba sa panukalang batas na ating inihain, lalo na kay Senator Bong Revilla sa pagtrabaho ng pagpasa nito.

“Umaasa tayong magiging malaking kaginhawahan ito sa ating mga kababayang Pilipino, at nawa’y magpatuloy pa ang ating pagpapasimple ng bureaucratic process.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa Republic Act No. 11909, permanente na ang validity ng birth, death at marriage certificates kahit anong petsa pa i isyu ang mga ito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results