Non-working holiday ang August 9 bilang paggunita kay former President Fidel Ramos? Fake news!

by KC Cordero
5 days ago
The fake proclamation
Nilinaw ng Palasyo na fake news ang diumano ay proklamasyon na kumakalat sa social media na nagdedeklarang ang August 9 ay special non-working holiday bilang pagkilala kay dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Fake news, ayon sa Malacañang, ang diumano ay proklamasyon na nagdedeklarang ang August 9 ay special non-working holiday bilang pagkilala kay dating Pangulong Fidel V. Ramos.

The fake proclamation

Ito ang nilinaw ng Malakanyang ngayong araw, August 4, 2024, matapos kumalat sa social media ang pekeng proklamasyon.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa post sa kanyang official Facebook page, "There's no announcement or proclamation released by the Office of the President and Executive Secretary declaring August 9, 2022 as a special non-working holiday nationwide in honor of former President Fidel V. Ramos.”

Continue reading below ↓

Nanawagan siya sa publiko na huwag magpapabiktima sa fake news na kumakalat sa Facebook at iba pang social-media platforms.

Aniya, “Hindi po ito totoo at walang inilalabas na anunsiyo o proklamasyon tungkol dito.

“Maging mapanuri tayo sa mga nababasa at nakikita na social media.”

Nauna rito, inilabas ng Palasyo ang Proclamation No. 33 na nagdedeklarang ang July 31 hanggang August 9, 2022 ay “national days of mourning” para sa yumaong dating presidente.

Si Ramos ang ika-12 pangulo ng Pilipinas at nanungkulan mula 1992 hanggang 1998. Sumakabilang buhay siya noong July 31.

Nakatakdang ilagak ang kanyang mga labi sa Libingan ng mga Bayani sa August 9.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nilinaw ng Palasyo na fake news ang diumano ay proklamasyon na kumakalat sa social media na nagdedeklarang ang August 9 ay special non-working holiday bilang pagkilala kay dating Pangulong Fidel V. Ramos.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results