Watch Now

Netizens napa-throwback sa pagsasara ng Hotel JEN Manila

by KC Cordero
Aug 23, 2022
Facade of Hotel Jen Manila
Bumuhos ang mga alaala ng mga netizens na naka-experience mag-stay sa Hotel JEN Manila. Simula September 1, 2022 ay titigil na ang operasyon nito para bigyang daan ang “redevelopment plans” ng may-ari ng property.

Ihihinto na ng Hotel JEN Manila sa Roxas Boulevard ang operasyon nito simula September 1, 2022.

Ang hotel na may 308 rooms ay bahagi ng mid-range hotel chain ng Shangri-La group.

Bahagi umano ito ng “redevelopment plans” ng may-ari ng property.

Sa statement na inilabas noong August 22 ng New Riviera Hotel Development Corp., may-ari ng hotel building sa Pasay, sinabi nitong kikilalanin pa rin ang mga reservations na ginawa hanggang sa katapusan ng August ngayong taon.

Ang property na nakatayo malapit sa Bangko Sentral ng Pilipinas complex at katapat ng Cultural Central of the Philippines, ay nag-operate bilang Traders Hotel, at naging Hotel JEN Manila sa ilalim ng Shangri-La company simula noong 1995.

Sa mga upper floors ng hotel masisilayan ang Manila Bay, mga yate, at ang sunset.

View of Manila Bay sunset from Hotel Jen

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hotel Jen

Matapos ang announcement, marami sa mga naging customers ng Hotel JEN Manila ang nagpahayag ng kalungkutan.

Netizens' comments on the closing of Hotel Jen Manila

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Netizens' comments on the closing of Hotel Jen Manila
Netizens' comments on the closing of Hotel Jen Manila
Bumuhos ang maraming alaala ng kanilang pag-stay sa nasabing hotel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May nagsabing dito siya unang nagtrabaho.

May mga dito ikinasa, nag-birthday, nag-debut, at nag-celebrate ng mahahalagang events sa kanilang buhay.

May mga nagsagawa rito ng seminars.

Sinabi naman ng Hotel JEN Manila na ginawa nito ang lahat ng pagsisikap para masuportahan ang lahat ng apektadong staff members na mawawalan ng trabaho.

Pagkakalooban ang mga ito ng karampatang kumpensasyon, at palalawigin ang healthcare insurance coverage hanggang December 31, 2022.

“We would like to thank all our guests, partners, and colleagues for their unwavering support over the past 27 years, particularly during the challenging pandemic years,” ayon sa pamunuan ng Shangri-La group.

“We look forward to extending our trademark Asian hospitality to guests at our four other Shangri-La properties in the Philippines.”

Dito sa bansa, ang Shangri-La ay kasalukuyang may luxury hotels sa BGC, Cebu, Ortigas, at Boracay.

Nagsara "temporarily" ang Makati Shangri-La simula noong February 1, 2022.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bumuhos ang mga alaala ng mga netizens na naka-experience mag-stay sa Hotel JEN Manila. Simula September 1, 2022 ay titigil na ang operasyon nito para bigyang daan ang “redevelopment plans” ng may-ari ng property.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results