Watch Now

Walk-in applicants hindi na papayagan sa educational aid payout ng DSWD

by KC Cordero
Aug 24, 2022
DSWD Sec. Erwin Tulfo and the long line of AICS beneficiaries
Para maiwasan ang mahabang pila, kalituhan, tulakan, at unahan, tanging ang qualified indigent students na nag-register sa bubuuing system ng Department of Social Welfare ang makatatanggap ng payout para sa educational assistance. Tutulong naman ang Department of the Interior and Local Government sa paghahatid ng nasabing ayuda.

Para magkaroon ng sistema at maging mas maayos ang pagbibigay ng educational assistance sa mahihirap na estudyante, nagkasundo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang mga may online registration o quick responce (QR) Code lang ang bibigyan ng ayuda.

Naganap ang kasunduan sa pagitan ng DSWD at DILG nitong August 24, 2022 sa pamamagitan ng paglagda sa isang memorandum of agreement (MOA).

DSWD and DILG signing the MOA

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, "That is the difference now. We will only cater to those who have already registered online or have acquired QR code.

“We will no longer accept walk-ins to avoid what happened on the first day of roll-out."

Ang mga kuwalipikadong estudyante ay kailangang maghintay ng text confirmation para sa schedule and processing ng kanilang assistance.

Sinabi naman ni DILG Secretary Benhur Abalos na tutulong sila sa paghahatid ng nasabing ayuda.

Nilinaw rin niya na ang tulong pinansiyal ay magmumula sa DSWD, at hindi sa mga locally elected officials.

Ani Abalos, “DSWD will have the list, not the governor, the mayor, or the barangay captain.”

Hiniling naman ni Tulfo ang pang-unawa ng publiko sa hindi naging maayos na pamamahagi ng ayuda noong August 20.

“This partnership is what our government would like to establish; to have unity in action, employ bayanihan. A lesson which we learned well, especially last Saturday which was an eye opener."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpasalamat din siya tulong na ibinibigay ng DILG sa DSWD.

"We are grateful to DILG, led by Secretary Abalos, for immediately extending their assistance to help DSWD find better ways to conduct the payout for the educational assistance, especially as we all need to ensure the safety and health of the clients as well.”

Ang roll-out ng educational assistance ay isasagawa tuwing Sabado hanggang September 24, 2022.

Lilikha ang DSWD ng virtual system para sa registration.

Pansamantala, habang inaayos pa ang system, ang mga nais mag-inquire tungkol sa programa ay maaaring tumawag sa DSWD sa 0931-796-0362 o silipin ang website sa link na ito: ciu.co@dswd.gov.ph.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Para maiwasan ang mahabang pila, kalituhan, tulakan, at unahan, tanging ang qualified indigent students na nag-register sa bubuuing system ng Department of Social Welfare ang makatatanggap ng payout para sa educational assistance. Tutulong naman ang Department of the Interior and Local Government sa paghahatid ng nasabing ayuda.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results