Watch Now

Dahil sa bagyong Karding, Sierra Madre nag-trending

by KC Cordero
Sep 25, 2022
Photo of Sierra Madre range, and the trending topics in Twitter
Dahil nag-trending, na-highlight ang importansya ng Sierra Madre at kung paano nito napoprotektahan ang isla ng Luzon kapag may malalakas na bagyo.

Nag-trending ang Sierra Madre sa Twitter at iba pang social media platforms ngayong September 25, 2022 sa harap ng pananalasa ng bagyong Karding sa Pilipinas.

Ang Sierra Madre ang pinakamahabang mountain range sa bansa na nasa mahigit 540 kilometers.

Nagmumula ito sa lalawigan ng Cagayan pababa sa lalawigan ng Quezon.

Humahangga ito sa 10 lalawigan, tatlong rehiyon at nagpoprotekta sa milyun-milyong buhay sa Luzon.

The Sierra Madre range

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinatawag itong “backbone of Luzon” dahil ito ang nagsisilbing panangga laban sa malalakas na bagyo at daluyong.

Bagaman at hindi nito napipigilan ang malalakas na bagyo, napapahina ng Sierra Madre ang lakas at ito ang nag-a-absorb ng pinakamatinding hagupit.

May lawak itong 1.4 milyong ektarya.

List of trending topics

May nag-post pa sa Twitter ng screenshot ng satellite view ng lawak ng maaapektuhan ni Karding at kung paano ito mapipigilan ng Sierra Madre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Ceazar Ryan Aquino, isang lawyer, sa kanyang Facebook post, may panukalang batas na naka-pending sa House of Representatives na naglalayong mapalakas ang pangangalaga at pagpapaunlad sa Sierra Madre Region.

Kung masasaibatas, itatatag ang Sierra Madre Development Authority.

Aniya, ang may-akda ng panukalang batas ay si Cong. Faustino Dy V.

Sa explanatory note aniya ni Dy noong 2016, ang super typhoon Lawin ay humina mula sa Category 5 at naging Category 3 na lang matapos sumalpok sa Sierra Madre.

Pinahina rin ng Sierra Madre ang typhoon Ulysses noong 2020, na mula sa lakas na 155 kph ay naging 130 kph matapos tumama sa range.

Ang nasabing panukalang batas, o House Bill No. 1972, ay muling isinumite sa 19th Congress ni Cong. Fidel Nograles.

Sa social media ay maraming netizens ang umaasang muling mapoprotektahan ng Sierra Madre ang Luzon laban sa pananalasa ni Karding.

Nagpakita rin sila ng suporta na masagip ang Sierra Madre, at nagpahayag ng pagtutol sa pagtatayo ng Kaliwa Dam na sakop ng nasabing kabundukan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ng netizens, sa kabila ng patuloy na pagsira sa Sierra Madre, patuloy rin nitong pinuprotektahan ang mga tao.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil nag-trending, na-highlight ang importansya ng Sierra Madre at kung paano nito napoprotektahan ang isla ng Luzon kapag may malalakas na bagyo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results