School sa Dagupan posibleng magwagi ng PHP2.92M sa World's Best School for Environmental Action

by KC Cordero
Sep 26, 2022
BBNHS announced as finalist
Ang programang “Ilog ko, Aroen ko” (Adopt a River Project) ang naging entry ng Bonuan Boquig National High School par sa World's Best School for Environmental Action competition. (Photos courtesy of Dagupan City PIO/What’s Up Dagupan?)

Kabilang sa Top 3 finalists para sa World's Best School for Environmental Action ang Bonuan Boquig National High School (BBNHS) na nasa Dagupan, Pangasinan.

Ang Adopt a River project na Ilog ko, Aroen ko (Ilog, pangangalagan ko) ang entry ng BBNHS sa nasabing kumpetisyon, at ito ay patuloy na umaani ng pagkilala sa buong mundo.

Pinasisigla ng programa ang pagtatanim ng mangrove o bakawan sa mga ilog, sa patnubay ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Dagupeños planting mangroves

Nagsasagawa rin ito ng mga aktibidad tulad ng coastal clean-up, waste management, tree planting, at international green camp.

Mula sa 1,000 entries sa buong mundo, nakasama sa Top 10 Shortlisted World's Best School for Environmental Action ang BBNHS, at isa ito sa tatlong eskuwelahan sa buong Pilipinas na nakapasok sa World's Best School.

Bilang kinatawan ng Dagupan at ng Pilipinas sa kategoryang Environmental Action, katunggali ng BBNHS ang Argentina, Canada, Colombia, Greece, Indonesia, Malawi, Palestine, Switzerland, at United Arab Emirates.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpahayag si Dagupan Mayor Belen Fernandez ng paghanga sa BBHNS at sa lahat ng bumubuo ng Ilog ko, Aroen ko project.

Ayon sa mayor, "I congratulate you for being an inspiration to us all and for making it to the Top 3 of the World’s Best School for Environmental Action 2022.

“You have made this city proud for this victory. "

Sabi naman ni BBNHS Principal III Renato Santillan, nagsimula ang ideyang malawakang pagtatanim ng bakawan kay Mr. Willy Guieb, dating guro sa paaralan at ngayon ay Principal IV ng West Central Elementary School II.

Isa itong science project taong 2010 at in-adopt ng kanilang science department hanggang maging school-wide project.

Simula sa mga guro at estudyante, nag-umpisang lumawak ang mga bumubuo nito katuwang ang Parents-Teachers Association, DENR, at mga non-government partners tulad ng Knights of Columbus at Rotary Club.

Dagupeños planting mangroves

Ayon sa DENR, umabot na sa 50,000 mangrove propagules ang naipunla ng BBNHS sa bahagi ng Longos River sa Bonuan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagpapatuloy ang kumpetisyon para sa pagkilala bilang World's Best School at ang laban ng BBNHS sa Environmental Action category.

Iaanunsiyo ang mga grand winners sa October 19, 2022, kasabay ng selebrasyon ng World Education Week.

Ang World’s Best School Prizes ay hosted ng T4 Education, isang global education organization na naglalayong kilalanin ang husay at dedikasyon ng mga paaralan "in transforming the lives of their students.”

Masusuportahan ang BBNHS para tanghaling kampeon sa pamamagitan ng pagboto. Para makaboto, i-click lang ang link na ito: http://worldbestschool.org.

Ang pagboto ay hanggang October 3.

Nasa US$50,000 (PHP2.92 milyon) ang nakatakdang mapanalunan ng magwawaging paaralan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang programang “Ilog ko, Aroen ko” (Adopt a River Project) ang naging entry ng Bonuan Boquig National High School par sa World's Best School for Environmental Action competition. (Photos courtesy of Dagupan City PIO/What’s Up Dagupan?)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results