Watch Now

Manila Zoo bubuksang muli sa November 15

by KC Cordero
Sep 29, 2022
Manila Zoo main entrance
Bubuksan nang muli sa publiko ang Manila Zoo simula November 15, 2022 bilang paghahanda sa Christmas season. May bayad na ngayon ang pamamasyal dito.

Inianunsiyo ni Manila Mayor Honey Lacuna na muling bubuksan sa publiko ang New Manila Zoo sa November 15, 2022 bilang paghahanda sa Christmas season.

Hindi na libre ang entrance fee, pero may discount ang mga residente ng Maynila, senior citizens, at persons with disability (PWDs).

Manila Zoo main entrance

Ayon kay Lacuna, maglalabas ang Manila City Council ng city ordinance na magsisilbing panuntunan para sa mga itatakdang regulasyon sa muling pagbubukas ng Manila Zoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Batay naman sa ipinanukalang rates ni Parks and Recreations Bureau at Zoo director Pio Morabe, ang entrance fee para sa mga taga-Maynila ay PHP150.

Para sa mga hindi tagalungsod: PHP250.

Pag-aaralan naman kung magkano ang magiging discount para sa senior citizens at PWDs.

Plano ring magpatupad ng “one-day free pass” para sa mga senior citizens gaya nang ipinatutupad na free movie passes sa mga sinehan sa lungsod.

Sinabi naman ni Morabe na ang mga mamamasyal sa Manila Zoo ay maaaring magpa-register at magbayad via online para maiwasan ang siksikan sa payment booth.

Tiger in Manila Zoo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inside of Manila Zoo

Matatandaang ipinaayos ang Manila Zoo nitong nakalipas na buwan.

Sa muling pagbubukas nito ay tampok ang iba’t ibang hayop, ang renovated playgrounds, at ang first-class glass enclosures para mas maayos na makita ng mga bisita ang mga hayop.

Kasalukuyan ding nasa proseso ang pamunuan ng zoo sa pag-import ng iba pang hayop.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinatayang aabutin ng mahigit 10,000 katao ang magiging bisita ng zoo kada araw.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bubuksan nang muli sa publiko ang Manila Zoo simula November 15, 2022 bilang paghahanda sa Christmas season. May bayad na ngayon ang pamamasyal dito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results