Watch Now

Globe nagsimula nang mag-block ng text messages na may malicious website links

by KC Cordero
Sep 30, 2022
Globe logo with warning
Gumawa na ng hakbang ang Globe Telecom para mapigilan ang paglaganap ng spam at scam text messages.

Sinimulan na ngayong week na ito ng Globe Telecom ang pansamantalang pag-block sa mga text messages sa mga prepaid at postpaid numbers na nagtataglay ng website links o Uniform Resource Locators (URLs).

Ito ay bilang tugon sa nakababahalang paglaganap ng spam at scam messages.

Sa inilabas na pahayag ni Globe Chief Information Security Officer Anton Bonifacio nitong September 30, 2022, sinabi niyang ito ay mas mahigpit na aksiyon kumpara sa una nilang isinagawa na i-block ang pag-access sa mga links na sa tingin ng Globe ay “malicious.”

Ani Bonifacio, "This time around, we're blocking the actual message. If the SMS has a link of any kind, we are not going to deliver it, period.

“This is necessary to protect our customers."

Nauna nang sinabi ng Globe na na-block nito ang 784 million spam and scam messages, 14,058 SIM cards, at 610 domains or URLs na nasa spam messages.

Ang PLDT/Smart ay nakapag-block na ng 11 billion attempts na mag-send ng malicious messages, at 200,000 mobile numbers na sangkot sa spamming.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong September 12 ay iniutos ng National Telecommunications Commission (NTC) sa lahat ng telcos na i-deactivate ang mga URLs, links, at quick response (QR) codes sa text messages.

Nagsagawa rin ang Senado ng pagdinig sa paglaganap ng scam at spam text messages na nagtataglay ng pangalan ng subscribers.

Naipasa na rin ng Congress ang Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act na nag-oobliga sa lahat nang subscribers na iparehistro ang kanilang subscriber identity module (SIM), at naghihintay na lang ng lagda ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. para maging ganap na batas.

Kapag naisabatas, ang SIM card users ay kailangang iparehistro ang kanilang personal information sa telcos o authorized card sellers at magpakita ng valid government IDs at mga dokumento.

Ang mga menor-de-edad ay maaari namang gumamit ng pangalan ng kanilang parents o guardians.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gumawa na ng hakbang ang Globe Telecom para mapigilan ang paglaganap ng spam at scam text messages.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results