Watch Now

Fort Santiago may free guided tour sa October 31

by KC Cordero
Oct 28, 2022
Photo of Fort Santiago
Isang oras na free guided tour sa Fort Santiago ang kasama sa entrance ticket worth PHP75.

Mananatiling bukas ang Intramuros ngayong long weekend!

Ito ang inanunsiyo ng Intramuros Administration (IA) sa Instagram account nito noong October 24, 2022.

Magkakaroon ng free guided tour sa Fort Santiago sa October 31, 2022, mula 5:00 p.m. hanggang 8:00 p.m.

Hindi kailangan ng reservation para i-avail ang one-hour free tour dahil kasama na ang promo na ito sa binayarang Fort Santiago entrance ticket.

Ang Fort Santiago ay mananatiling bukas sa October 31 at November 1, mula 6:00 a.m. hanggang 9:00 p.m.

Ang last entry ay hanggang 8:00 p.m.

Maaari namang bumisita sa Casa Manila mula 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m.

Ang Baluarte de San Diego ay bukas mula 9:00 a.m. hanggang 5:00 p.m.

Photo of Fort Santiago

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang entrance fee para sa mga nabanggit na sites ay PHP75.

Ang mga edad 18 pababa, senior citizens, estudyante, persons with disabilities, at government employees ay pagkakalooban ng discounted rate na PHP50. Kailangan lang magpakita ng valid ID.

Hiniling naman ng pamunuan ng IA na igalang ng mga bisita ang Fort Santiago.

Hinikayat din nito ang mga mamamasyal doon na mag-alay ng bulaklak sa White Cross memorial, na nagsisilbing palatandaan para sa mahigit 600 kataong nasawi sa Fort Santiago noong World War II.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang oras na free guided tour sa Fort Santiago ang kasama sa entrance ticket worth PHP75.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results