Boracay delikado sa sinkholes, posibleng lumubog

by KC Cordero
Dec 13, 2022
Photo of part of Boracay
Ang kabuuan ng Boracay ay limestone na madalas pagmulan ng sinkholes. Ang sinkhole ang “most dangerous type of hazard” dahil walang indikasyon kung kailan ito lalabas. (Photo courtesy of Mac Villarino)

Nagpaalala ang Mines and Geosciences Bureau of the Department of Environment and Natural Resources (MGB-DENR) na dapat obserbahan ang “carrying capacity” ng isla ng Boracay.

Pahayag ng ahensiya sa ginanap na media forum kahapon, December 12, 2022, vulnerable sa sinkholes ang Boracay.

Ayon kay Engr. Mae Magarzo, hepe ng MGB Geosciences Division, “Sinkholes are land depressions due to the removal of support underneath due to earthquake or due to the lowering of the ground waters.

“These sinkholes are not found in other types of rocks, but exclusively in limestone areas.”

Ang kabuuan ng Boracay, na isa sa paboritong destinasyon ng mga turista sa buong mundo, ay limestone.

Photo of part of Boracay

Ang chemical composition ng limestone na calcium carbonate ay unti-unting natutunaw kapag nagkakaroon ng contact sa acid, lalo na sa acid rain.

Ayon kay Magarzo, nabubuo ang sinkholes sa limestone.

Sa isinagawang Karst Subsidence Hazard Mapping noong 2018, natukoy sa Boracay ang 789 sinkholes; 801 noong 2019; 814 noong 2020, at 815 mula 2021-2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakakalat ang mga sinkhole na ito sa tatlong barangay ng Boracay.

Ipinaliwanag din ni Magarzo na ang sinkhole ang “most dangerous type of hazard” dahil walang indikasyon kung kailan ito lalabas.

Aniya, kapag walang suporta sa ilalim, guguho kasama ang mga istruktura na nakatayo sa apektadong lugar.

“That is why we want the carrying capacity to be observed because as you could see in our geo-hazard map in Karst Subsidence, almost all are highly susceptible.”

Inirekomenda aniya ng ahensiya na bawasan ang bigat ng mga istraktura na nakatayo sa limestone, lalo na sa mga one-story building.

Sa pag-aaral na isinagawa ng DENR –Ecosystems Research and Development Bureau noong 2018, kapag may mga turista, ang carrying capacity ng Boracay ay nasa “19,215 at any given time.”

Katumbas ito ng 6,405 arrivals a day for a three-day stay.

Batay sa pag-aaral, ang ideal arrival per day ay 6,085.

Lampas na rin sa itinakda ang number of physical carrying capacity o ang maximum number of structures, bagaman at walang inilabas na eksaktong bilang ang ahensiya.

Pagdating naman sa population carrying capacity, ang total population carrying capacity ng Boracay ay 54,945 nang isagawa ang pag-aaral.

Sa ngayon, sobra na ito ng 15,836 kada araw.

Iniulat naman ni Cyndy Sol Rodrigo ng DENR 6-Conservation and Development Division (CDD) na nag-exceed na rin ang solid waste capacity, water supply, water use, at wastewater generation ng Boracay.

Sinabi ni DENR Regional Executive Director Livino Duran na maglalabas ang ahensiya ng updated carrying capacity study ng isla sa susunod na taon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang kabuuan ng Boracay ay limestone na madalas pagmulan ng sinkholes. Ang sinkhole ang “most dangerous type of hazard” dahil walang indikasyon kung kailan ito lalabas. (Photo courtesy of Mac Villarino)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results