Bayan ng Baliwag sa Bulacan, isa nang lungsod

by KC Cordero
Dec 19, 2022
Holding of plebiscite
Ang Baliwag ang magiging ikaapat na component city ng Bulacan kasunod ng Meycauayan, San Jose del Monte, at Malolos, ang provincial capitol.

Isa nang lungsod o siyudad ang bayan ng Baliwag sa lalawigan ng Bulacan.

Sa inilabas na pahayag noong December 17, 2022, sinabi ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson John Rex Laudiangco na mahigit 75 percent o 17,814 ng 23,562 registered voters ang bumoto ng “Yes” para sa conversion ng bayan ng Baliwag para maging component city ng Bulacan sa ginanap na plebisito sa nasabi ring petsa.

May kabuuang 5,702, o 24.19 percent of voters naman ang bumoto ng “No.”

Ang bilang ng mga botante na lumahok sa referendum ay 21.70 percent lang ng 108,572 registered voters ng Baliwag.

Day of plebiscite

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isinagawa ang plebisito matapos ratipikahan ang Republic Act 11929 ("An Act Converting the Municipality of Baliwag in the Province of Bulacan into a component city to be known as the City of Baliwag") noong July 29, 2021.

Ang Baliwag ang magiging ikaapat na component city ng Bulacan kasunod ng Meycauayan, San Jose del Monte, at Malolos, ang provincial capitol.

Ang “city” ay malawak na urban area with a greater geographical area, malaki ang populasyon maging ang population density.

Mas maunlad din ito kumpara sa isang bayan o town.

Ang “town” ay urban area na mas malawak kaysa sa barangay o village, pero mas maliit kumpara sa city.

Ang Baliwag ay may 27 barangay.

Batay sa 2020 census, nasa 168,470 ang populasyon nito.

Noong 2018, nagpasa ang Sangguniang Bayan ng resolution para hilingin kay Bulacan 2nd District Representative Gavini Pancho, na magsumite ng panukala para mai-convert ang bayan ng Baliwag na maging siyudad.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Isinumite nina ACT-CIS Partylist Representative Eric Go Yap at Davao City 1st District Representative Paolo Duterte noong August 12, 2020 ang House Bill 7362, “seeking to convert Baliwag into a city in the province.”

Inaprubahan ng Senado ang House Bill No. 10444 at isinumite kay dating Pangulo Rodrigo Duterte para lagdaan noong June 29, 2022, isang araw bago magwakas ang 18th Congress.

Hindi ito nalagdaan at nag-lapse para maging ganap na batas, kaya itinakda ang plebisito.

Day of plebiscite

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Laudiangco, “The dream of Baliwageños to strengthen the recognition of their development and emerging economy in the change of their beloved Municipality that is now the City of Baliwag has now become a reality with the success of this Plebiscite and the adoption of Republic Act No. 11929.

“As the 147th city in the Philippines, Baliwag joins the ranks of 109 Component Cities [with 33 Highly-Urbanized Cities and 5 Independent Component Cities].”

Pinasalamatan din ng Comelec ang iba pang ahensiya ng pamahalaan para sa tagumpay ng isinagawang plebisito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Baliwag ang magiging ikaapat na component city ng Bulacan kasunod ng Meycauayan, San Jose del Monte, at Malolos, ang provincial capitol.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results