Idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang December 26, 2022 bilang special non-working day sa buong bansa sa pamamagitan ng Proclamation No. 115.
Inianunsiyo ito ng Malacañang ngayong December 22.
Layunin nitong mabigyan ang mga Pilipino ng mas mahabang panahon na maipagdiwang ang Kapaskuhan kasama ang kanilang mga pamilya at mahal sa buhay.
Pumatak kasi ang araw ng Pasko ngayong taon sa araw ng Linggo.
“A longer weekend will encourage families to get together and strengthen their relationship towards a more productive environment and will promote tourism,” saad pa ng proklamasyon.
Inatasan din ni Marcos Jr. ang Department of Labor and Employment na maglabas ng kaukulang sirkular na ipatupad din ang proklamasyon sa pribadong sektor.
Nauna nang naglabas ang Malacañang ng updated list ng regular holidays and special non-working days para sa 2023, para maplano ang “long weekends.”
Inamyendahan ng Proclamation No. 90, na inilabas noong November 11, ang Proclamation No. 42, na nagdedeklara ng regular holidays and special non-working days sa Pilipinas,
Sa ilalim ng Proclamation No. 90, ang January 2, 2023, na pumatak sa araw ng Lunes, ay magiging karagdagang special non-working day “in consideration of the Filipino tradition of visiting relatives and spending time with their families for this occasion.”