Servers ng telcos, bumigay sa unang araw ng SIM card registration

by KC Cordero
Dec 27, 2022
SIM card registration advisory
Inaasahan na ang iba-ibang technical issues sa pagsisimula ng SIM card registration. Nangako naman ang mga telecommunication companies na mas pagagandahin ang kani-kanilang proseso para maging smooth ang pagpaparehistro ng mga subscribers.

Nagkaroon ng problema sa server portals ng mga telecommunication companies sa unang araw ng pagrerehistro ng subscriber identity module (SIM) cards.

Sinimulan ang SIM card registration ngayong araw, December 27, 2022.

Alas sais y media pa lang ng umaga, ang registration link para sa Globe ay nagpapakita na ng "Bad gateway" at hinihiling sa subscribers to "try again later."

Pagsapit ng 10:30 a.m., idinidirekta na ng link ang subscribers sa FAQ page.

May mga naka-access naman sa Smart portal, pero matagal bago mag-load ang link o kaya ay ayaw talagang mag-load.

Ang mga DITO subscribers ay nakapag-register sa pamamagitan ng DITO app.

Gayunpaman, may ilang subscribers na matagumpay na nakapag-register sa lahat ng links mula 4:00 a.m. hanggang 5:00 a.m.

TELCOS PROMISE TO IMPROVE PROCESSES

Tiniyak naman ng mga kumpanya na handa sila sa pagdagsa ng mga magpaparehistro. Nangako ang mga ito na mas pagagandahin ang kani-kanilang proseso.

SIM card registration conference

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"We are ready for it. Robust naman yung system na ginagamit natin," ayon kay Yoly Crisanto, ang Globe Group Chief Sustainability and Corporate Communications Officer, sa panayam niya sa DZBB.

Inalis din muna ngayong umaga ang registration site ng Globe para ayusin sa system ang bagong requirement na dapat mag-upload ng selfie ang subscriber.

Ani Crisanto, "I think meron silang gustong ayusin, may ipinadagdag.

Ngayon po kasi, base dun sa kahapon na presscon ng ating government agencies kasama ang NTC and DICT, nanghingi sila ng certain form of verification.

“So ngayon, kailangan tayong mag-upload ng selfie.”

Sinabi rin ni Cathy Yang, PLDT and Smart Corporate Communications First Vice President and Group Head, sa isang panayam sa radyo na handa rin ang kanilang system.

Aniya, "All systems go na tayo sa SIM registration. It will only take three minutes to register."

Pero sa inilabas na advisory ng Smart sa official Facebook page nito, nag-abiso ito sa mga subscribers na posibleng mahirapan ang mga itong ma-access ang registration site.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Our technical team is working on increasing capacity," ayon pa sa advisory.

REGISTRATION GUIDELINES

Ipinapatupad ang pagpaparehistro ng SIM cards batay sa implementing rules and regulations ng Republic Act 11934 o “An Act Requiring the Registration of SIM Cards.”

SIM cards

Ang mga mobile phone subscribers na may prepaid SIM cards ay kailangang irehistro at i-verify ang kanilang phone numbers sa public telecommunications companies sa loob ng 180 araw simula December 27, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makalipas ang extension period na 120 araw, ang unregistered SIM cards ay magiging deactivated.

Para naman sa postpaid subscribers, ang mga impormasyon na kanilang isinumite sa service providers ay sapat na at kailangan na lang ng verification.

Samantala, ang SIM cards ng foreign nationals na nasa Pilipinas bilang turista ay valid lang sa loob ng 30 araw.

Maaari itong palawigin kung makakapagsumite ng approved visa extension.

Para makapag-register, ang mga subscribers ay kinakailangang puntahan ang portal ng telecom firms.

Narito ang links para sa existing DITO subscribers; Smart prepaid, TNT and Smart Bro users; at Globe Mobile, TM and Home Prepaid WiFi users.

Kinakailangang ilagay ng magre-register ang kanyang full name, date of birth, gender, at address na nasa valid government-issued identification document na may kalakip na larawan.

Ilan sa mga accepted IDs ay ang passport, national ID, GSIS e-Card, digitized SSS ID, driver’s license, voter’s ID, senior citizen’s card, at iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Layunin ng Republic Act 11934 na masugpo ang mga text scammers, at ginagarantiyahan na igagalang ang mga karapatang pantao ng subscribers.

Ang lahat ng impormasyon na makakalap sa SIM registration ay pangangalagaan “with absolute confidentiality except in compliance with any law or court order authorizing the disclosure of personal information upon finding of probable cause.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inaasahan na ang iba-ibang technical issues sa pagsisimula ng SIM card registration. Nangako naman ang mga telecommunication companies na mas pagagandahin ang kani-kanilang proseso para maging smooth ang pagpaparehistro ng mga subscribers.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results