Windows 8.1 users need to upgrade; Microsoft to "end" support

by KC Cordero
Jan 9, 2023
The Microsoft message
Pinayuhan ng Microsoft ang mga gumagamit pa rin ng Windows 8.1 na mag-upgrade na para makaiwas sa cyber attacks. Kahit noong 2013 pa ito ini-release, milyun-milyon o tinatayang 2.45 percent ng lahat ng Windows users sa buong mundo ay ito ang naka-install sa kani-kanilang devices.

Hanggang January 10, 2023 na lang magkakaroon ng security updates or patches ang operating system ng Microsoft na Windows 8.1.

Ang end of support ay noong last quarter ng 2022 pa ipinadadala ng Microsoft sa mga gumagamit ng nasabing version.

Ang mga gumagamit pa rin ng Windows 8.1 sa kanilang mga computer ay nasa panganib ng cyber attacks and unwanted bugs dahil hindi na gagawa ng upgrades ang Microsoft pagkatapos ng nabanggit na petsa.

The Microsoft message

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagaman at ini-release ang Windows 8.1 noong 2013, napakaraming PC users sa buong mundo ang gumagamit pa rin nito.

Ayon sa team ng Statcounter, ang Windows 8.1 ay nananatiling “fourth most widely used Microsoft operating system.”

Tinatayang 2.45 percent ng lahat ng Windows users ay ito ang naka-install sa kanilang devices.

Kaya ayon sa Statcounter ay nakakabahala ang gagawing end of support sa Windows 8.1 dahil milyun-milyong users ang posibleng ma-hack ang computer.

Paliwanag ng Microsoft kung hindi mag-a-upgrade, "While you could continue to use a PC running Windows 8.1, without continued software and security updates, your PC will be at greater risk for viruses and malware.

“We recommend upgrading to a version of Windows that is still supported. A new device that can run Windows 11 makes for an easy transition and a great experience."

May dalawang options: mag-switch sa Windows 10 o mag-upgrade sa pinaka-latest na Windows 11 OS.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Windows newest versions

Kung gagamit ng Windows 11, kailangan ding bumili ng bagong PC o laptop dahil karamihan sa mga lumang computer ay hindi na compatible sa pinakahuling software.

Medyo may kamahalang option ito, pero pinakapraktikal dahil kinumpirma na rin ng Micorsoft na ihihinto na rin nito ang support sa Windows 10 pagkalipas ng dalawang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Payo ng Microsoft, "To maintain the reliability and stability of Microsoft 365, we strongly recommend you take advantage of the latest hardware capabilities by moving to a new PC with Windows 11.

"PCs have changed substantially since Windows 8.1 and Windows 8 were first released. Today’s computers are faster, more powerful, and sleeker—plus they come with Windows 11 already installed.

"Most Windows 8.1 or Windows 8 devices will not meet the hardware requirements for upgrading to Windows 11, as an alternative, compatible Windows 8 and 8.1 PCs can be upgraded to Windows 10 by purchasing and installing a full version of the software.

“Before investing in a Windows 10 upgrade, please consider that Windows 10 will reach its end of support date on October 14, 2025."

Anuman ang maging option, kailangang magdesisyon na agad ang PC users, at magpaaalam na sa Windows 8.1.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinayuhan ng Microsoft ang mga gumagamit pa rin ng Windows 8.1 na mag-upgrade na para makaiwas sa cyber attacks. Kahit noong 2013 pa ito ini-release, milyun-milyon o tinatayang 2.45 percent ng lahat ng Windows users sa buong mundo ay ito ang naka-install sa kani-kanilang devices.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results