(UPDATED) VIRAL: PHP1,000 polymer banknote, naplantsa at nasunog

by Bernie V. Franco
Jan 11, 2023
mutilated polymer bill
"Wag tularan." Aksidenteng naplantsa ni Jonathan de Vera ang kanyang PHP1,000 polymer bill na nakasuksok sa bulsa ng kanyang pantalon. Mapalitan pa kaya ito?
PHOTO/S: Jonathan de Vera

Hala, hindi sinasadyang naplantsa at nasira ni Jonathan de Vera, 40, ang kanyang isang libong piso. Mapapalitan pa kaya ito?

Ito ang masaklap na kuwento niya sa nag-viral na Facebook post nitong January 9, 2022, Lunes.

Ayon sa working student na taga-Caloocan (published as is): “Isang nakakaasar na kaganapan. Basahin at intindihin, wag tularan.

“Naiwan ko sa bulsa ng pantalon ko ang 1000 na polymer.

“It so happen na nagplantsa ako. Nakapa ko lang nung binaligtad ko pantalon ko.

“Ito ang nangyari [crying emojis].

“Sadly di raw tatanggapin sa banko. In short souvenir ko na to [sad emojis].”

Hinagpis pa niya, “Goodbye 1k pandagdag ko pa naman sa enrollment fee ko

“Moral lesson: wag ilalagay ang pera sa pantalon kundi sa wallet.”

Kalakip ng FB post ni Jonathan ang nadispigurang PHP1,000 polymer bill,

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JONATHAN’S UPDATE ABOUT HIS MUTILATED POLYMER BILL

Ngayong Miyerkules, January 11, 2023, kinunan ng update ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jonathan. Dinala ba niya sa bangko ang nasunog na isang libong piso?

Sagot ni Jonathan sa PEP.ph (published as is): “nasa BSP n po..dinala q po kanina..it will be checked daw po then they will give me heads up.”

Sinabi niyang “very accommodating” ang empleyado ng BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas na nag-asikaso sa kanya.

Paano kung hindi na palitan ang nasunog na pera?

Sagot ni Jonathan (published as is): “I feel at ease. Sa totoo lang I am not worried since it is an accident talaga.

“If hindi mapalitan at kung ibabalik sa akin, i will just keep it; kung mapalitan, then it really is a good one.”

Antabayanan na lang ang magiging sagot ng BSP kay Jonathan, na isang communications and accounts specialist.

UPDATE: Ngayong Huwebes, January 12, 2023, nag-update si Jonathan at ifinorward ang mensahe mula sa BSP, na nagsasabing mari-redeem ni Jonathan ang kanyang nasirang PHP1,000 polymer bill.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

First year college student siya ngayon na kumukuha ng Business Administration.

Nagtapos na siya noon ng kursong Computer Science.

BSP POSTS Visual Fitness Criteria for Mutilated Banknotes

Una na ring pinag-usapan ang isang Facebook post noon na hindi umano tinanggap sa isang retail store sa mall ang folded PHP1,000 polymer banknote.

Itinanggi ito ng mall management.

Related article: SM Supermalls reacts to misleading info about folded PHP1,000 banknote

Samantala, noong December 2021, ipinost ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang listahan ng “Mga Pamantayang Biswal sa mga Salaping Papel na Mutilated o Sira-Sira.”

Kapag pasok sa criteria ang nasirang pera ay hinihimok nilang “kaagad isumite sa alinmang bangko upang masuri ng Bangko Sentral ng Pilipinas.”

Ito ang apat na Visual Fitness Criteria for Mutilated Banknotes ng BSP:

  1. Mga punit, butas o nawawalang bahagi ng salapi
  2. May pandikit (halimbawa: tape, sticker, glue, gum, o staple wire) o anumang bagay na nakadikit sa salapi
  3. Paghihiwalay ng harap at likod na mga bahagi ng salaping papel
  4. Sunog o bulok na sanhi ng pagkababad sa tubig o kemikal
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Wag tularan." Aksidenteng naplantsa ni Jonathan de Vera ang kanyang PHP1,000 polymer bill na nakasuksok sa bulsa ng kanyang pantalon. Mapalitan pa kaya ito?
PHOTO/S: Jonathan de Vera
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results