Maglalabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng PHP150 commemorative coin bilang paggunita sa ika-150 anibersaryo ng martyrdom ng mga paring Katoliko na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora, na mas kilala bilang GomBurZa.
Inianunsyo ito ng BSP sa official Facebook Page nito noong January 13, 2023.
Ayon sa post ng BSP: “The BSP is pleased to announce the sale of the 150-Piso commemorative non-circulation, legal tender coin in honor of the 150 years of the martyrdom of GomBurZa.
“The limited series commemorative coin features the portraits of Fathers Mariano Gomez, Jose Burgos, and Jacinto Zamora on the obverse with the markings ‘REPUBLIKA NG PILIPINAS’ and the denomination ‘150-Piso.’
“The reverse side features the markings ‘EXECUTION OF THE THREE MARTYR PRIESTS,’ the BSP logo, the dedication of Dr. Jose Rizal in El Filibusterismo, the silhouette of the Andres Bonifacio Monument in Caloocan City, and the official logo of the GomBurZa’s 150 Years of Martyrdom.”
Ang GomBurZa coin ay yari sa nordic gold at may diameter na 34 millimeters.
Tumitimbang ito ng 15 grams.
Sinabi rin ng BSP na ang PHP150 non-circulation limited series commemorative coin ay legal tender at ibebenta sa halagang PHP2,200.00.
Para sa mga coin collectors o gustong magkaroon, ang GomBurZa coins ay mabibili sa BSP Online Store simula sa January 16 pagsapit ng ala una ng hapon.
Limitado ang stocks ng GomBurZa coins, at ibebenta on a first come, first served basis.
Ang GomBurZa ay binitay ng mga Kastila noong February 17, 1872 sa Luneta.
Ipinaglaban nila ang pantay na karapatan para sa mga pari.
Ang nobelang El Filibusterismo ay inihandog sa kanila ni Dr. Jose P. Rizal.
Bukod sa GomBurza coin, tampok din ang tatlong paring martir sa commemorative stamps na inilabas ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) noong June 2022.
Maraming kalye sa buong bansa ang isinunod sa pangalan ng tatlong martir.
Nag-trending din ang GomBurZa at "MAJOHA" noong April 2022 matapos magkamali ng sagot sina Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 teen housemates Kai Espinido at Gab Skribikin sa mga tanong tungkol sa Philippine history.
Read: