Sino si Betty Go-Belmonte at bakit siya trending sa Twitter?

by Bong Godinez
Jan 18, 2023
Betty Go Belmonte LRT-2 station
The LRT-2 station Betty Go-Belmonte was named after the courageous journalist and publisher, and mother of incumbent Quezon City Mayor, Joy Belmonte.
PHOTO/S: Wikimedia; Everyday Life on Facebook

“Sinong bias niyo sa lrt 2 stations?”

Ito ang tanong ng Twitter user na si @awkwardbutable na agad na lumikha ng ingay sa sikat na micro-blogging site nitong Martes, January 17, 2023, ng gabi hanggang kinabukasan ng umaga.

Ang “bias” ay termenong pangkaraniwang ginagamit ngayon na ang ibig sabihin ay paborito lalo na sa pagpili ng nagugustuhang K-pop group member.

Ang LRT-2 naman ay ang transit train system na binuksan noong 2003 at, sa kasalukuyan, ay mayroong 13 stations kabilang ang Katipunan, Araneta Center-Cubao, V. Mapa, Recto, at Betty Go-Belmonte.

Marami ang pumatol sa nasabing tanong sa Twitter, at lumalabas na marami ang nagsabing ang Betty Go-Belmonte station sa New Manila, Quezon City ang kanilang paborito.

Iba-iba ang rason ng mga sumagot kung bakit “bias” nila ang nasabing istasyon, kasama na ang pagiging "non-busy" nito at "tahimik" kumpara sa ibang stops.

Kuwela naman ang sagot ng ilan kagaya ng “ang shala pakinggan,” “very tita mong nasa USA vibes,” at “pang-drag queen” ang tunog ng pangalan ng istasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero marami rin ang na-curious at nagtanong: Sino nga ba si Betty Go-Belmonte?

CHINESE ROOTS

Si Billie Mary Chua Go ay isinilang sa Santa Mesa sa Maynila noong December 31, 1933. Anak siya nina Jaime Go Puan Seng at Felisa Velasco Chua.

Filipino-Chinese ang lahi nina Betty at ang kanyang ama ang founder ng The Fookien Times, ang broadsheet paper na inilalathala sa Maynila sa wikang Chinese.

Founded in 1926, ang The Fookien Times ang itinuturing noon na “largest Chinese-language newspaper” sa Pilipinas.

Nakaranas din ng hirap ang pamilya ni Betty noong World War II na kung saan ay kinailangan nilang lumikas at tumungo sa Sierra Madre mountains upang matakasan ang Japanese army.

EDUCATION AND JOURNALIST CAREER

Nag-aral ng elementarya si Betty sa Kamuning Public School and Hope Christian High School.

Noong high school ay pumasok naman siya sa Philippine Christian College at UP High School.

Madalas siyang tuksuhin sa paaralan dahil sa kanyang pangalan na wari ay panlalaki.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dahil dito ay tinawag siyang Betty ng kanyang ama.

Nais ni Betty na maging pintor at kumuha ng Fine Arts course, subalit tinutulan ito ng kanyang ama.

Sa huli ay pumasok siya sa University of the Philippines sa Diliman at nagtapos na may English degree.

Nakumpleto naman niya ang kanyang master's degree sa Claremont Graduate University sa California, U.S..A.

Nagsimula siyang magtrabaho sa The Fookien Times bilang assistant editor.

Dito ay nakitaan siya ng galing at talino sa pagpapatakbo ng pahayagan.

FOUNDING THE PHILIPPINE STAR

Sa kasamaang palad ay isa ang The Fookien Times sa mga pahayagang ipinasara ng administrasyon ni Ferdinand Marcos Sr. nang ideklara nito ang Martial Law nung 1972.

Nagtungo sa Canada upang doon na mamalagi ang ama ni Betty matapos na magsara ang pagmamay-ari nitong pahayagan.

Nanatili naman sa Pilipinas si Betty kasama ang kanyang mister na si Feliciano “Sonny” Belmonte Jr. sa kabila ng paulit-ulit na banta noon ng dating First Lady na si Imelda Marcos na ipapa-exile sila sa ibang bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy pa ring nagsulat si Betty, at kalaunan ay naglabas siya ng monthly magazine na The Star, na naging bahagi ng "Mosquito Press," collective name para sa mga pahayagang kritical sa Marcos administration.

Isa si Betty sa founders ng Philippine Daily Inquirer, pero lumisan din siya matapos ang People Power Revolution noong 1986 para patalsikin sa puwesto si Marcos Sr.

Itinatag ni Betty ang tabloid na Ang Pilipino Ngayon, sinundan ng broadsheet na The Philippine Star, na sa ngayon ay itinuturing na isa sa pinakamalaking pahayagan sa bansa.

LATER YEARS AND DEATH

Naging aktibo si Betty sa mga social at civic work sa kabila ng kanyang demanding position sa pahayagan bilang publisher.

Noong 1993 ay ginawaran siya ng Gintong Ina award para sa kontribusyon niya sa Philippine media at journalism.

Namatay siya nung January 28, 1994 sa edad na 60 dahil sa sakit na cancer.

Naulila niya ang kanyang asawa na si Sonny at ang kanilang mga anak na sina Isaac, Kevin, Miguel, at Joy, na kilala ngayon bilang incumbent mayor ng Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa LRT-2 station (na dating kilala sa tawag na Boston station) ay may kalye rin sa Quezon City na ipinangalan sa matapang na mamamahayag at publisher.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The LRT-2 station Betty Go-Belmonte was named after the courageous journalist and publisher, and mother of incumbent Quezon City Mayor, Joy Belmonte.
PHOTO/S: Wikimedia; Everyday Life on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results