Watch Now

Kiko Pangilinan: "Goodbye credit card"; BSP itinaas ang interest rate cap

by KC Cordero
Jan 24, 2023
BSP building and Kiko Pangilinan's IG post
Sa obserbasyon ng isang senior bank economist, ang mas mataas na interes sa mga credit card ay maaaring humantong sa matumal na paggastos ng mga consumer.

Itinaas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang interest rate cap sa credit card transactions sa three percent kada buwan o 36 percent kada taon.

Ayon kay BSP Governor Felipe Medalla, ang pagtaas na ito ay makatutulong sa pag-cover ng ilang matataas na gastos ng mga bangko at credit-card issuers.

Ang mga gastos na ito ay may kaugnayan sa maayos na pagha-handle ng consumer transactions, kabilang ang mabilis at maagap na resolusyon kapag may dispute, at pagpapanatili ng mahuhusay na empleyado.

Photo of BSP Governor Felipe Medalla

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makakatulong din ito sa mga bangko na mai-adjust ang serye ng pagtaas ng policy rate ng BSP sa 5.5 percent mula sa 2 percent, sanhi ng COVID-19 pandemic.

Idinagdag ni Medalla na ang desisyon sa pagtataas ng interest rate cap ay kaugnay ng layunin ng BSP na mapanatiling abot-kaya ang credit card pricing nang hindi nanganganib ang pangmatagalang operasyon at kapasidad ng credit card issuers.

Kaugnay nito, nag-post si dating Senador Kiko Pangilinan sa kanyang Instagram account ngayong January 24, 2023 ng photo ng credit card na ginugupit.

IG post of Kiko Pangilinan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nilagyan niya ito ng caption na (published as is): “Yung utang mo na 100 pesos kung hindi paid in full sa end of the month ay 136 pesos ang ibabayad sa 12 months.

“Ang Solusyon……hello 36 percent, goodbye credit card.”

Isang netizen na pabor sa increase ang nagkomento na, “All you have to do is to pay your credit card statement on time.

“Stopping using credit card is an extreme action. You need to strike balance in your actions.”

May nagsabi naman na ayaw niya talaga ng credit card dahil mataas ang interes.

Ayon naman kay Nicholas Mapa, na nagtrabaho ng limang taon sa BSP bago lumipat sa ING Bank, patuloy na lumalaki ang mga pautang ng mga bangko kahit pa nagtataas na ng interes sa pautang ang BSP, samantalang hindi naman nagtataas pa ang interes sa mga credit card bill.

Aniya, ang mas mataas na interes sa mga credit card ay maaaring humantong sa matumal na paggastos ng mga customers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Bank lending sustained growth despite aggressive BSP tightening due to the reopening story but also because rates on CC’s were unchanged.

“Higher rates for [credit cards] point to softer consumption in 2023,” ani Mapa.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa obserbasyon ng isang senior bank economist, ang mas mataas na interes sa mga credit card ay maaaring humantong sa matumal na paggastos ng mga consumer.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results