Indigent senior citizens, makakatanggap ng PHP12,000 ngayong 2023

by KC Cordero
Jan 29, 2023
Photo of senior citizens
Mula PHP500 kada buwan, magiging PHP1,000 na ang social pension na matatanggap ng mga indigent senior citizens ngayong 2023. (Photo courtesy of Quezon City Government)

Aabot sa mahigit 4.1 milyong mahihirap na senior citizens ang nakatakdang makatanggap ng tig-PHP12,000 social pension ngayong 2023 sa ilalim ng inaprubahang PHP5.268 trillion national budget.

Sa inilabas na pahayag ni Finance Committee Chair Senator Sonny Angara noong January 27, ipinaalala niyang itinatakda ng Republic Act (RA) 11916 ang 100 percent na buwanang pension ng mahihirap na senior citizen—na mula PHP500 ay magiging PHP1,000.

“Siniguro natin na mapopondohan sa 2023 budget ang pagtaas sa monthly social pension ng ating mga indigent senior citizen,” ayon kay Angara.

Dagdag pa niya, “Isinulong natin ang dagdag sa pension nila lalo na at ang mga lolo at lola na makikinabang dito ay wala talagang ipon o sustento galing sa kanino man.”

Magagamit aniya ng mga mahihirap na senior citizen ang ang karagdagang pension para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at gamot.

Batay sa mga patakaran ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang ahensiya na magpapatupad ng dagdag na pension, ang mga eligible na senior citizen ay dapat na taglay ang mga sumusunod na criteria:

  1. Frail, sickly or with disability
  2. Without pension from the Social Security System, Government Service Insurance System or from any sources of pension in government and private agencies
  3. Without any permanent source of income, compensation or financial assistance from relatives to support their basic needs.

Halos 10 percent ong mga Pilipinong edad 65 and above ay namumuhay nang mag-isa.

Ani Angara, “Many are not so lucky as to have savings to get them through their twilight years and there are a lot more who have no relatives who will take care of them."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinatupad simula noong 2010, ang social pension para sa mahihirap na senior citizens ay karagdagang government assistance sa ilalim ng RA 9994, o ang Expanded Senior Citizen’s Act.

Inamyendahan ng RA 9994 ang orihinal na Senior Citizen’s Act o RA 7432.

Nagkakaloob ito ng mas maraming benepisyo sa mga Pilipinong edad 60 and above, kabilang dito ang:

  1. 20-percent discount on the purchase of certain goods and services such as medicines,
  2. Special five-percent discount on prime commodities and basic necessities
  3. Exemption from the value added tax on the sale of goods and services.

Ang dalawang batas ay parehong inakda ni former Senate President Edgardo Angara.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mula PHP500 kada buwan, magiging PHP1,000 na ang social pension na matatanggap ng mga indigent senior citizens ngayong 2023. (Photo courtesy of Quezon City Government)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results