Bureau of Immigration clarifies issue about bringing yearbook, diploma of departing passengers

by Bernie V. Franco
Mar 17, 2023
Ninoy Aquino International Airport
Necessary bang dalhin ang yearbook at diploma ng mga departing passengers? At ano ang mahahalagang papeles o dokumento kailangang ipakita sa Bureau of Immigration?
PHOTO/S: Facebook (Ninoy Aquino International Airport)

Halatang naalarma ang ilang pasahero kasunod ng isyu ng isang pasaherong na-“offload” sa kanyang flight dahil sa maraming tanong ng immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport.

Naging viral ang “immigration rant” video ng pasaherong si Cham Tanteras.

Naiwan si Cham ng kanyang flight noong December 2022, dahil sa dami ng tanong ng immigration officer. Hinanapan pa siya ng yearbook at graduation picture.

Tuloy, naiwan si Cham ng kanyang flight at nasayang ang PHP19,000 plane ticket.

Read: Pasahero naiwan sa flight dahil sa matagal na interview ng immigration officer

SOME PASSENGERS BRING DIPLOMA, YEARBOOK

Naitampok sa TV Patrol nitong March 17, 2023 ang isang pasahero na nagdala ng copy ng kanyang diploma.

Bukod sa diploma, bitbit din ni Krystal Anne Cortez ang pictures at detalye ng partner na pupuntahan sa New Zealand.

Naapektuhan kasi si Krystal tungkol sa kuwento ni Cham.

Pero binanggit sa report, hindi kailangang bitbitin ang yearbook o diploma.

Ayon sa Bureau of Immigration (BI), ang kailangang dalhin ay passport, return ticket, travel itinerary, at valid IDs.

Iginiit din sa report na nag-iingat lamang ang BI dahil sa kaso ng human trafficking, illegal recruitment, at crypto-currency scam ng mga sindikato kaya may secondary inspection sa ilang pasahero.

BI CLARIFIES ISSUE ON YEARBOOK

Samantala, ngayong araw ay nagbigay linaw si BI Spokesperson Dana Sandoval sa isyu ng yearbook.

Hindi raw ito kailangang dalhin ng mga paalis na pasahero.

Paglilinaw ni Sandoval sa interview ni Noli de Castro para sa TeleRadyo ngayong Biyernes, March 17, 2023., “We see this really not normal part ng mga tinatanong po ng ating mga immigration officers during secondary inspection.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya po sa ating mga kababayan, you don’t have to bring po your yearbooks, your diplomas sa pag-alis po ng bansa.

“Hindi na po natin kailangan itong dalhin at ipakita.”

Nagsalita rin si Sandoval ukol sa matagal na interview kay Cham na dahilan para maiwan ito ng flight.

“While yung secondary inspection po is really part of our procedures kapag po merong added questions sa passengers.

“Siguro yung mga unnecessary questions po ay hindi po part nitong ating regular processing.”

airport entrance

Sa kaso ni Cham, tinanong pa raw siya ng immigration officer tungkol sa estado ng relasyon ng kanyang mga magulang.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng BI sa immigration officer na nag-interview kay Cham.

Itinanggi rin umano ng immigration officer na hiningan niya ng yearbook si Cham.

Pero mare-reimburse pa ba ni Cham ang PHP19,000 na ipinambayad niya ng plane ticket?

Ani Sandoval: “While the Immigration is not in the capacity to do this, I think po maaari po nating siyang [Cham] tulungan in seeking po yung administrative reliefs doon po sa immigration officer, kung mapatunayan po natin na meron po naging remiss po siya sa kanyang duty.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Samantala, naglabas ng statement ang BI nitong March 16, 2023, kaugnay ng insidente. Ipinost ito ng bureau sa official Facebook account nito.

Sinabi rito na nagkakaroon ng secondary investigation kaugnay ng pangyayari.

"We apologize for the inconvenience this may have caused the Filipino passenger and other Filipino passengers," ayon pa sa statement.

Idiniin din ito ang kahalagaan ng pagkakaroon ng secondary inspection sa ibang passengers.

Bahagi ng statement, sa 2022 report, higit 32, 000 pasahero ang di pinayagan makalipad at natuklasang 472 rito ay biktima ng human trafficking o illegal recruitment.

Ang 873 naman ay nadiskubreng gumamit ng illegal documents, at 10 naman ay menor de edad na nagtangkang magtrabaho abroad.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Necessary bang dalhin ang yearbook at diploma ng mga departing passengers? At ano ang mahahalagang papeles o dokumento kailangang ipakita sa Bureau of Immigration?
PHOTO/S: Facebook (Ninoy Aquino International Airport)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results