Gobyerno naglunsad ng libreng diyaryo, The Philippine Gazette

Once a month ang sirkulasyon
by KC Cordero
May 26, 2023
Launching of The Philippine Gazette
Layunin ng The Philippine Gazette mapataas ang antas ng kamalayan ng publiko tungkol sa mga patakaran at programa na ipinatutupad ng pamahalaan. (Photos courtesy of PCO-BCS)

Inilunsad ng gobyerno ang The Philippine Gazette, isang printed newspaper na ipamamahagi nang libre sa publiko.

Layunin ng naturang pahayagan na mapataas ang antas ng kamalayan ng publiko tungkol sa mga patakaran at programa ng pamahalaan.

Inianunsiyo ng Presidential Communications Office sa official Facebook page nito noong May 25, 2023 ang paglulunsad sa The Philippine Gazette.

Read also: Word of the day: Tambaloslos; Sino ang tinutukoy ni VP Sara Duterte?

Launching of The Philippine Gazette

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: LTO mahigpit ipinagbabawal ang baklas-plaka sa mga mahuhuling sasakyan

Sinimulan na rin ang libreng pamamahagi nito noong May 24 ng Bureau of Communications Services (BCS), isang attached agency ng PCO.

Maaaring makakuha ng libreng kopya ng The Philippine Gazette sa Recto, Cubao at Santolan stations ng Light Rail Transit (LRT)-Line 2; Tutuban station ng Philippine National Railway; at sa Manila North Harbor Terminal at Victory Liner Terminal sa Pasay City.

Read also: GMA-7, ABS-CBN bosses mark partnership as "historic opportunity," end of rivalry

Monthly ang frequency nito, at itatampok ang pinakabagong mga impormasyon sa larangan ng food security, digital infrastructure, renewable energy, pabahay, turismo at iba pa.

Read also: Application para sa August 20 civil service exam, itinakda sa May 22-June 21

Launching of The Philippine Gazette

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read also: Mangingisda sa Occidental Mindoro, pinapak ng tiger sharks

Ano ang PCO at BCS?

Sa ilalim ng Executive Order 16 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos noong February 13, ang PCO, sa pangunguna ni Secretary Cheloy Garafil, ay magsisilbing primary office ng executive branch para aktibong makilahok at tumutok ang publiko at ang mass media sa pagpapataas ng antas ng talakayan sa lahat ng isyung may kinalaman sa pagpapatakbo sa pamahalaan.

Read also: Leila De Lima absuwelto sa 2nd drug case; humingi ng prayers sa isa pang natitirang kaso

Responsable ang PCO sa “crafting, formulating, developing, enhancing, and coordinating the messaging system” ng executive branch at ng Office of the President.

Samantala, ang PCO-BCS ang nakatalaga sa pagpapaunlad at pagkakaloob ng communications services na may kaugnayan sa “policy formulation, communications planning, project development, research and evaluation, and coordination of information planning” na nakapaloob sa binalangkas na pangkalahatang layunin at prayoridad ng national development plan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: PHP1,000 polymer bill, nagwagi ng “Banknote of the Year Award”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Layunin ng The Philippine Gazette mapataas ang antas ng kamalayan ng publiko tungkol sa mga patakaran at programa na ipinatutupad ng pamahalaan. (Photos courtesy of PCO-BCS)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results