Bakit maliit ang pagkalalaki ng ancient Greek statues?

TikTok user, may research kung bakit
by KC Cordero
Aug 23, 2023
The TikToker and the statue
Nagtataka tayo kung bakit may tiny package ang ancient Greek statues? Isang TikTok user ang nag-research, at nagulat siya sa kanyang natuklasan.

Aminin man natin o hindi, kapag nakakakita tayo ng male Greek statues ay nagtataka tayo kung bakit maliit ang sex organ nila.

Isa ang TikTok user na si Ruby Reign, may handle na @rubysaysstuff, sa na-curious at nag-imbestiga tungkol dito.

Nagtataka siya na sa kabila ng laki ng katawan at sobrang maskulado ng mga estatwa, hindi sila well-endowed.

Read: Mas type nga ba ng mga babae ang matangkad na lalaki?

Sa video na kanyang ini-upload noong March 13, 2022, sinabi niyang para siyang isang wannabe professor na nagsagawa ng research para lang mabigyang-linaw ang tanong sa kanyang isipan.

Ani Ruby sa kanyang video, "Have you ever wondered why so many of the ancient Greek statues have colossal muscular physiques and yet a tiny package?

"Well, I have, so I did some digging."

The TikTok user's post

Hindi ba't sa kasalukuyang panahon, ang sinasabing pamantayan pagdating sa sex organ ng lalaki ay "the bigger the better"?

Pero ayon sa research ni Ruby, iba pala noong unang panahon.

Isinalarawan pala ng mga Greeks ang kanilang kaaway—ang mga Egyptians—bilang mga katawa-tawang nilalang.

Sa mga komedya, ipinapakita ng mga Greeks na ang mga Egyptians ay mga abnormal dahil malalaki ang sex organs.

Kaya noong unang panahon, negative ang dating kapag naturingan ang isang tao na malaki ang kargada.

Ani Ruby, "So actually, what I discovered was that big D's bad and small D's good in ancient Greece.”

Paliwanag niya kung bakit, "Turns out that in ancient Greece, having a smaller package was considered a sign of virtue, of civility, or self-control or discipline.

"Meanwhile, having a bigger one was a sign of lustfulness, of gluttonous appetites and barbarism, which is quite interesting because it's different to today."

Read: Aso, "bad influence" sa amo; drinking buddies ang dalawa

IBA ANG BODY TYPE NOONG UNANG PANAHON

Ang research ni Ruby ay umaayon sa paliwanag ng art historian na si Andrew Lear, isang specialist sa Ancient Greek art and sexuality.

Ayon kay Andrew, noong circa 400 BC, ang ideal body type ng tao ay malaki ang pagkakaiba sa henerasyon ngayon.

Greek statue

Read: Remembering Babette Villaruel

Noon, matitipuno ang kalalakihan sa ancient Greece, malalaki ang muscle sa dibdib, pamatay ang abs, makintab ang balat, malapad ang mga balikat, malaman ang puwet, at maliit ang sex organ.

"They have small to very small penises, compared to the average of humanity."

Ebidensiya rito ang artistic works na ginawa sa nasabing period.

Bukod sa ang pagkakaroon ng maliit na sex organ ng kalalakihan ay itinuturing na physically more attractive, nagpapakita rin ito ng kanilang mataas na antas ng moralidad at katalinuhan.

Read: Meet Sibulan, 3-year-old Philippine eagle na na-rescue sa Mt. Apo

“BADGE OF THE HIGHEST CULTURE AND A PARAGON OF CIVILIZATION"

Ganito rin ang nilalaman ng aklat ng historian na si Paul Chrystal, author ng “In Bed with The Ancient Greeks” na nalathala noong 2016.

Ayon kay Paul, sa panahon ng sinaunang Greece, ang maliit na patotoy ay “badge of the highest culture and a paragon of civilization."

Read: Believe it or not, may tindahan na matatagpuan sa gitna ng mataas na rock wall sa China

The book

Nagkaroon pa aniya ng “tiny pr*ck' brigade.”

Napakalakas ng organisasyon na ito, at inilalagay ng mga miyembro sa kahihiyan ang mga lalaking matutuklasang more well-endowed.

Inaakusahan ang mga ito na imoral, malibog, at kriminal.

Paliwanag ni Paul, "Big penises were vulgar and outside the cultural norm, something sported by the barbarians of the world."

Inihahalintulad din ang malalaki ang kargada sa mga hayop, at itinuturing na “the sign of stupidity, more of a beast than a man.”

Read: Kumbinasyon ng dalawang klase ng puno sa Oregon forest, nakalikha ng giant smiley face

LIPUNAN ANG NAGDIDIKTA NG BEAUTY STANDARDS

Samantala, ang video ni Ruby ay nakakuha na ng million views, 409K heart reactions, 14.1K comments, at 4,334 shares.

Tuwang-tuwang magkomento ang mga miyembro ng small willy community sa kanilang natuklasan.

Biro ng isa, "Remember, lads, we were on top. Now the Barbarians have taken over."

Sambit ng isa, "We definitely gotta return to our roots."

Panghihinayang naman ng isa pang nagkomento, "I was really born in the wrong generation."

Read: Oldest goldfish in recorded history, naging silver ang kaliskis after 43 years

Sinabi naman ni Ruby na ang ating patuloy na nagbabagong pananaw sa sukat ng pagkalalaki ay sumasalamin sa katotohanan na walang maituturing na objective beauty.

"I just think it's interesting to compare the perspective back then that smaller is better with the view today that, sometimes people think bigger is better.”

Paalala niya, ipinapakita lang nito na ang ating beauty standards at iba pang mga pamantayan ay idinidikta ng lipunan.

Dahil dito, hindi tayo dapat malungkot kung ano ang ating kaanyuan—at kung pinagpala ba tayo o hindi pagdating sa ating sex organ.

Read: Candy Crush Saga-inspired dress may 5-digit price tag; isa rin itong bean bag na mauupuan

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagtataka tayo kung bakit may tiny package ang ancient Greek statues? Isang TikTok user ang nag-research, at nagulat siya sa kanyang natuklasan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results