May pagkakataon na ngayong kumita ang mga kababayan nating may talento sa pagsusulat sa pamamagitan ng “TypeKita” app.
Pormal itong inilunsad ng social entertainment platform na Kumu noong August 9, 2023.
Isa sa layunin ng TypeKita app ang magkaroon ang mga Pilipinong mahilig magsulat ng platform para sa kanilang mga obra, and at the same time ay kumita.
Ang TypeKita ang local version ng “Joylada” ng Thailand.
Na-coin ang pangalan ng app mula sa salitang “type” na ang ibig sabihin ay magmakinilya o mag-encode, at “kita” o earnings.
Read: Most Beautiful Transgender of Thailand talks about "normal life" as wife to wealthy businessman
Kumpara sa ibang online writing platforms, isinusulong ng TypeKita ang chat-serye.
Ang format ng pagsusulat ay parang nagbabasa ang readers ng conversation sa pagitan ng characters sa kuwento.
Sa kakaibang immersive reading experience ng TypeKita, ang readers ay parang bahagi rin ng conversation ng characters.
Sa ganitong paraan, ayon kay Ysabel Yuzon, Head of Growth, Multi-app, Strategy and Innovations ng Kumu, hindi magiging masyadong intimidating para sa mga gagamit ng TypeKita app ang pagsisimula na magsulat.
Read: Pinay architect Mitchelle Ignacio, isa sa designers ng ‘second tallest’ skyscraper in the world
Paliwanag niya, "Maybe writing paragraphs and prose can be intimidating for someone who's just starting out, but the generation that we have today, they grew up with smartphones, they can all compose messages.
“It's such an easy way to introduce writing into this generation that is often criticized as not reading enough or not writing enough."
Mga kabataang wala pang gaanong karanasan sa pagsusulat ang target market ng TypeKita—pero open din ito sa professionals.
Read: Trending #eggprank sa TikTok, delikado sa mga bata — experts
Sinabi ni Yuzon na wala pa silang editors sa ngayon pero may community na tumutulong sa kanila sa pagpili ng mga kuwentong maaaring i-upload sa site.
Isa rin aniyang oportunidad ito sa mga beteranong manunulat na makatulong sa community sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang kaalaman.
Kung paano kikita ang isang writer sa TypeKita, ito ay sa pamamagitan ng pagpapadala ng users ng virtual gifts sa profile page ng writer, o sa page ng kuwento na kanilang ni-like.
Read: Sundalo nailigtas ng mga barya sa tama ng bala
May option din ang isang writer na i-lock ang chapters na kanyang isinusulat.
Maa-unlock naman ito ng readers sa pamamagitan ng coins.
Maaaring ipalit ng writer ang matatanggap na coins sa cash.
Ang magiging bestsellers ay may-chance mai-feature sa Kumu campaigns, at magkaroon ng sariling merchandise.
Sinabi rin ni Yuzon na gusto ng TypeKita na makatulong sa aspiring writers na masimulan ng mga ito ang pangarap.
“To become the platform that helps create opportunities for Pinoy authors to get their work out there.”
Para naman maprotektahan ang writers, mayroong content moderators ang TypeKita na gaya sa Kumu.
May customer support din kung saan maaaring i-report kung may isyu sa plagiarism.
Ani Yuzon, "And with regards to other safety measures, we follow all the guidelines for app security.”
Sa ngayon ay nasa mahigit 3,000 nobela na ang nasa TypeKita.
Pinakasikat na genre ang romance at horror.
Bukod naman sa app, plano rin ng TypeKita na mag-venture sa print, audiobooks, at iba pang formats para mas maging accessible sa lahat ang kanilang mga kuwento.
Read: Tagapagmana mas pinili ang pag-ibig kaysa milyones