Magkano ang iPhone 15, at anu-ano ang key features?

“Biggest update to the device in three years.”
by KC Cordero
Sep 13, 2023
Photo of iPhone 15 models
Sinasabi ng mga tech experts na nagkaroon ng biggest update ang bagong iPhone model ng Apple makalipas ang tatlong taon. Mas matibay ang screen, mas hi-tech ang camera at audio recording, at may USB-C charging cable point ito.

Opisyal nang inianunsyo ng Apple nitong September 12, 2023, ang paglulunsad ng iPhone 15.

Ang latest model ay may brand-new set of features.

Ito raw ang latest generation ng device na babago sa smartphone scene mula nang unang ilabas ang iPhone noong 2007.

Tinukoy din ito ng mga tech experts bilang “biggest update to the device in three years.”

Read: Bride stood up by groom on wedding day ends up marrying father-in-law

Photo of iPhone 15 models

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At ang paglulunsad ay isinagawa in true Apple style.

Si Tim Cook, ang chief executive officer ng Apple, ang nagpaliwanag kung ano ang maaaring asahan sa iPhone 15 series.

Read: "Malnourished" at bansot na alligator, na-rescue

KEY FEATURES AND UPGRADES

Ang screen ng iPhone 15 ay 6.1 inches, habang ang iPhone 15 Plus ay 6.7 inches.

Available ito sa limang magkakaibang kulay: black, blue, green, yellow, and pink.

Available colors of iPhone 15 models

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Bride stood up by groom on wedding day ends up marrying father-in-law

Mas matibay umano ngayon ang screen ng latest model, ayon sa Apple, kaya wala nang magiging problema ang user kapag aksidenteng maibagsak ito.

May pagbabago rin sa camera—automatic nang made-detect ng photo app kung may photobomber kapag magse-selfie, at agad itong magsi-switch sa portrait mode.

May mode rin na maaaring ma-filter ang background noise at maipokus ang microphone kung ano ang sinasabi ng may-ari kapag nagre-record.

Pero ang isang pinaka-exciting feature na nagustuhan at matagal nang hinihintay ng Apple fans ay ang USB-C charging cable point.

Read: Bride stood up by groom on wedding day ends up marrying father-in-law

Other features of iPhone 15 models

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bride stood up by groom on wedding day ends up marrying father-in-law

Sa kasalukuyan kasi ay nagre-rely lang ang iPhones sa proprietary lightning cable, samantalang ang ibang devices, maging ang ilang produkto ng Apple, ay gumagamit na ng USB-C cable.

Ang desisyon ng Apple na gumamit na sa iPhone ng USB-C ay bilang pagsunod sa EU law na nagdedeklarang lahat ng portable devices ay kailangang compatible na sa universal charger pagsapit ng December 2024.

Layunin ng EU law na malabanan ang e-waste, at isang paraan dito ang pagkakaroon ng common standard for chargers.

Read: Bride stood up by groom on wedding day ends up marrying father-in-law

THE PRICE

Ang presyo ng iPhone 15 depende sa storage ay nagsisimula sa US$799 o PHP 45,284.92.

Ang iPhone 15 Plus naman ay US$899 o PHP50,952.62.

Ganito rin ang mga presyo ng iPhone models na inilunsad noong isang taon.

Ang iPhone 15 Pro at iPhone 15 Pro Max ay kargado ng A17 Pro chip.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang presyo ng iPhone 15 Pro ay US$999 o PHP56,620.32, habang ang iPhone 15 Pro Max ay US$1,199 o PHP67,955.72.

Siyempre, idadagdag pa riyan ang taxes.

Read: Bride stood up by groom on wedding day ends up marrying father-in-law

Available na sa September 22 sa U.S. market ang mga bagong devices.

Sa Pilipinas, karaniwang dumarating ang mga newly launched iPhone models tuwing last week of October.

Ang iPhone ang pinaka-popular na model ng smartphone, at dahil sa mahal ng presyo nito, naging joke na sa mga Pinoy ang pagbebenta kunwari ng kidney para lang makabili nito.

Read: Metalhead yarn? Aso, nakalusot sa security; nanood ng Metallica concert

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sinasabi ng mga tech experts na nagkaroon ng biggest update ang bagong iPhone model ng Apple makalipas ang tatlong taon. Mas matibay ang screen, mas hi-tech ang camera at audio recording, at may USB-C charging cable point ito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results