Nawawalang rebulto ni Jose Rizal sa Virac, natagpuan

Pero para itong “discarded" public monument.
by KC Cordero
6 days ago
Rizal's statue
Matagal nang hinahanap ang nawawalang rebulto ni Dr. Jose P. Rizal na dating nakatayo sa plaza sa Virac, Catanduanes. Ngayong nakita na, plano itong i-restore at ihanap ng bagong lugar na pagpupuwestuhan. (Photos courtesy of Ramon Felipe Sarmiento.)

Ang nawawalang rebulto ng Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal sa plaza ng Virac, Catanduanes, ay natagpuan na.

Sa Facebook post ni Ramon Felipe Sarmiento noong September 13, 2023, bukod sa rebulto ni Rizal ay nakita na rin ang isa pang rebulto—ang The Lady Fruit Vendor.

Si Ramon ay isa sa mga nagsusulong na mapangalagaan ang heritage ng Virac.

Aniya, ang dalawang “discarded public monuments” ang nag-define ng fond memories ng Virac mula dekada 60 hanggang dekada 80.

Read: Grabe! Memorable moment ng newlyweds, binuking sa speech ng best man

Rizal's statue

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Aral mula sa story ng magkapitbahay na nasira ang pagkakaibigan dahil sa WiFi at Netflix passwords

Kuwento pa ni Ramon, “It used to be that these two were in seeing distance of each other during their glory days of public display, looking like lovers so near each other but could not get intimate because they were stuck on their pedestals.”

Ikinalungkot niya ang naging kondisyon ng mga rebulto.

“Now, they remained intact [but moss-infested, with damages here and there] and in very close proximity they would smell each other's breathe if they were alive.”

Ang dalawang rebulto ay itinambak lang sa pader ng bagong Community Hub.

Hindi halos mapapansin ang mga ito dahil sa kapal ng mga damo at tanim na talong.

Ang sintemyento ni Ramon, isa itong pagpapakita ng “disregard for heritage.”

Aniya, “They are waiting to be rescued and restored to their proper places of honor.”

Read: “Sobrang dulas” na toilet bowl, naimbento ng China; Kay tipid sa tubig, di kelangang linisan

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Rizal's statue

Read: Magkano ang iPhone 15, at anu-ano ang key features?

Nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Ramon last September 14 via Facebook Messenger.

Nagbigay siya ng pahintulot na maibahagi ang tungkol sa sinapit ng rebulto ni Rizal at ng The Lady Fruit Vendor.

Nang tanungin tungkol sa detalye ng mga rebulto, gaya ng kung sino ang naglilok sa mga ito at anong taon itinayo, ani Ramon, “Wala akong info, maski na kung kelan itinayo. So, magre-research pa ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero kinagisnan ko na. So, bago pa mag-1965, nakatayo na.”

Pagtataya naman niya, dekada 90 inalis ang dalawang rebulto sa plaza.

Komento ng mga taga-Virac sa post ni Ramon, sayang umano ang dalawang rebulto dahil maraming nabuong fun memories sa dating lugar na pinagpuwestuhan sa mga ito.

Sambit ng isa, “It adds attraction sa mga nagmumuni-muni sa plaza, kasama na ang pagsipsip sa santan flowers na nakapaligid sa plaza.

“Pag inabutan ng ulan, sumisilong pa sa statue ng Daragang Magayon.”

The other statue

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: "Malnourished" at bansot na alligator, na-rescue

Nanawagan ang mga ito na ma-restore ang dalawang rebulto.

Sa isang reply sa nagkomento, sinabi ni Ramon na inilagay na sa mas maayos na storage ang mga rebulto.

May plano na rin aniya ang local government unit na ihanap ng bagong lugar na pagpupuwestuhan ang dalawang rebulto kapag na-restore na.

Ayon pa kay Ramon, “From our side we need to come up with local legislation and programs to protect and restore the tangible heritage sites, and urgent po kasi nagde-deteriorate na ang mga ito.

“I posted this to raise the urgency and bring it to the attention of the public.”

Read: "My Way" itinuring na "world's deadliest karaoke song"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matagal nang hinahanap ang nawawalang rebulto ni Dr. Jose P. Rizal na dating nakatayo sa plaza sa Virac, Catanduanes. Ngayong nakita na, plano itong i-restore at ihanap ng bagong lugar na pagpupuwestuhan. (Photos courtesy of Ramon Felipe Sarmiento.)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results