Hello po.
Welcome to Labandera Chronicles, mga yada-yada-yada, pamimitik, at pamumuna ng aba ninyong labandera.
Don't worry, I'm not about to wash dirty linen in public. But yes, I’m going to do some laundering here, tutal din lang at "labada" na ang tawag sa trabaho, at bumalik na akong muli sa pagiging artista sa sine, telebisyon at sa tanghalan, at mukhang magla-line producer pa para sa isang malaking movie production outfit at papasok na rin sa mundo ng digital whatever. Magtatrabaho, maglalaba.
Alam niyong may katarayan ang tabas ng dila ng inyong lingkod, pero hinding-hindi niyo ako mababasahan ng mga "Huwag niyo nang pag-aksayahan ng panahong panoorin ang pelikulang ito!" o ng mga "Kumpara doon sa isa pang showing ngayon, ito ang mas dapat niyong panoorin!"
Sabi ko nga, mamimitik ako. Pupuna. Pero hindi ng mukha, o timbang ng artista kung payat ba siya o dapat magpapayat. Hindi ng kung ano ang mas magandang sine o teleserye.
Ang talagang lalabhan ko rito, sasabunin na bahala na lang kung babanlawan ko pa, ay yung mga hindi marunong rumespeto. Yung masama ang ugali. Katulad ng mga inirereklamo ni Mario Bautista na dalawang oras niyang ininterbyu, pagkatapos di man lang siya matandaan sa susunod nilang pagkikita sa presscon, di siya babatiin.
Yung mga tumitira, halimbawa, sa ibang artista, kasi manager pala siya ng katipong artista noong tinitira niya. Yung mga biglang naging film critic at nandadaot, kasi nasa promo team ng isa pang kasabay na pelikula.
Yung mga tumatawag sa iyong hayan ka na nga at namatayan, 'tapos di ka lang nakasagot sa cellphone mo kasi, hello, humahagulgol ka nga at nagngangangawa, inuuna ang pagtawag sa mga kamag-anak na di pa nakakaalam, 'tapos bibirahin ka nang patalikod kasi raw di mo sinagot ang tawag nila. Yung mga tipo ng mga dumadalaw sa lamay ng may lamay, 'tapos di naistima nang matagal ng namatayan, magtatatalak kasi raw, inisnab sila.
Pero di lang ako pipitik, pupuri rin ako ng mga dapat purihin.
Like ABS-CBN’s Mario Dumaual, who rang me up soon as he had heard of my mother-in-law Armida Siguion-Reyna's passing. I wasn't able to pick up the phone. In a while, he sent a text: "Hi, Bibeth. May I kindly call?" I still didn't get to give him a reply. He sent another message: "Will standby for your advisory, thanks.”
The man had a deadline to meet. His TV Patrol was due to air in two hours. Deadline, shmedline. He gave me time to grieve. For Armida. And then again, about four months later, for Eddie Garcia. I was sobbing and incoherent, when I absent-mindedly got Mario on my phone. Soon as he heard me, he apologized, "I’m sorry, I’m sorry. Tawag ako ulit."
I cannot thank you enough, Mario. Maraming salamat.
Simula pa lang ito ng aking paglalaba.