Kanino natutunan ang "Mamatay kayong lahat!" na hugot?

She is baffled.
by Bibeth Orteza
Jul 25, 2019
Bibeth Orteza wants to understand, "Saan galing ang hugot no'ng taong iyon, sa pagkakabitiw niya ng, 'Mamatay kayong lahat!'"
PHOTO/S: File

Hello po.

Welcome ulit to Labandera Chronicles!

At bagamat nakaamba niyong ipamukha sa aking hindi pa ako nagmo-move on, aaminin ko na agad-agad. Hindi pa nga.

Pinuna na ako ng isang kaibigan. Ang "harsh" ko raw.

Hindi harshness ang layon ko. Gusto ko lang maintindihan kung saan galing ang hugot no'ng taong iyon, sa pagkakabitiw niya ng, "Mamatay kayong lahat!"

Sino ang nagturo? Kanino niya natutunan?

Imposibleng kay Fernando Poe Jr., na isa sa alam kong itinuturing niyang mentors. Si FPJ, na, matapos ang kababalaghan ng bilangan ng 2004, sumaway sa isa sa aming nagbansag ng "Republic of Cebu" patungkol sa supposed-to-be pinanggalingan ng mga dispalinghadong mga boto na nagluklok sa kalaban sa panguluhan.

"Don’t say that about them. Cebuanos are Filipinos. They will continue to be our kababayan, and even if cheating is proven, it cannot be the fault of the average Cebuano."

He couldn't have gotten it from Eddie Garcia, either. Eddie, who, in that same gathering with FPJ, was keeping quiet in a corner. I inquired about his silence and he shrugged, "Hindi nagsasalita ang prinsipal. Hindi ko siya puwedeng pangunahan."

Nor from Dolphy, perhaps in that election year of 2004 the most controversial campaigner, after he let go of a quip generally taken by the camp of FPJ's adversary as a slur against their candidate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

In Dolphy's own words, in his autobio Hindi Ko Ito Narating Mag-isa:

"'Yong nangyari do'n, kasi, di ba, sunud-sunod ang black propaganda laban kay Ronnie? Deny nang deny ang Malacañang na may alam sila sa pagkakalat ng alimuom. Si Ronnie raw, Amerikano, walang alam ang Malacañang. Si Ronnie raw, nanuntok ng reporter, may inihian pa, walang alam ang Malacañang. Si Ronnie raw, ganito, ganyan, pero wala pa ring alam ang Malacañang kung sino ang behind sa chismis. Walang alam, walang alam, ayun, binitiwan ko, ‘Dugay na sa Malacañang, tonto pa gihapon.’

"E, expression lang ‘yon, an old joke, na na-twist ko lang for the situation. Bakit pag ako ang nagsasalita, dinadamdam nila? Sabi ko nga, ang dami riyan, mas grabe ang sinasabi, harap-harapan sa television, pero pagka ako… Anyway, I had to apologize.

"'Pasensiya na kayo, kung nagkatuwaan kami do'n, it's an old joke. Kung dinamdam n'yo, I'm sorry. It won't happen again,' sabi ko. Inulit-ulit ang labas niyan, sa TV, sa radio—umaga, tanghali, gabi, hatinggabi."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sumagot si Girl, apology accepted daw.

Bakit tinanggap ang apology? Kasi, may nag-apologize. Which won’t happen now especially as the curse of death was uttered in the company of one who laughed in obvious concurrence, and let out a thunderous "Pare, I love you!" as mark of his approval.

Nagpasintabi si Dolphy, kahit sa biro niyang wala siyang hiniling na kamatayan ng iba. Ayaw manggatong ni Eddie Garcia, kahit na atat na atat na ang ibang kaalyadong magsalita siya. Ayaw mangutya ni FPJ kahit siya na mismo ang dinaot at unang kinutya.

Additionally, sa isang malaking rally sa Welcome Rotonda no'ng May of 2004 kung saan na-tear gas ang mga FPJ supporters, at karamihan sa naroon ay naghintay lang ng utos sa kanya, handang sumugod, handang mamatay, ano'ng sabi ni FPJ? "I cannot ask people to die for me."

So, balik tayo sa tanong: Kanino uli natutunan ang "Mamatay kayong lahat!"

Lalong-lalong hindi kay Lino Brocka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(Ed's Note: Lino directed the notable films of he who was once upon a time Jaguar.)

Read Next
Read More Stories About
Bibeth Orteza, Rodrigo Duterte
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bibeth Orteza wants to understand, "Saan galing ang hugot no'ng taong iyon, sa pagkakabitiw niya ng, 'Mamatay kayong lahat!'"
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results