Hello po. Welcome ulit to Labandera Chronicles.
No'ng lumindol sa Batanes, may mga namatay. No'ng lumindol sa Japan kailan lang (August 4, 2019), may bumili ng Chanel bag.
Iyan ang lead paragraph, alam niyo na kung sino itong sinasabon ko.
Hindi ko na babanggitin ang kanyang pangalan, lalo pa't windang siya, in the face of the Metro Manila Film Festival Committee's decision not to accept her film (K)ampon in this year's festival line-up.
Never akong nagsalita tungkol sa love life niya. May sabihin man ako, sa kanya ko dinidiretso, pag nagkakasalubong kami.
Ipinagtanggol ko rin siya sa mga di katanggap-tanggap na komento ng iba; believe me, it’s a plethora of anti-"her" jokes out there.
Her love life was hers, to begin with. Wala akong pakialam kung sino ang latest sa buhay niya, kung mahal niya talaga ang hombre at kung mahal din siya in return, kung talagang may relasyon sila in the first place o may nag-imbento, kung tutoong ibinili nga siya ng kung sino ng singsing o naipalabas lang na gano'n. Whatever.
Pero ayun nga, at nasa Japan first week of August sila ng kanyang dalawang prinsipe. OK iyon, marami ang bilib pagdating sa paniniguro niyang palagi silang may bonding trips ng kanyang mga anak, kahit pa kitang nangangayayat pa rin siya.
Inabot sila ng lindol, sa land of the rising sun. Mga 6.8 daw ang rehistro sa scale. Fine. Kinabahan siya. Fine pa rin, dahil kahit sino namang makaranas ng malakas na lindol, kakabahan talaga.
Then she posted this soon after, on Facebook: "Pinaalala niyo po sa akin na lumindol, and because lumindol, kailangan mag-Chanel 'cause I'm alive. That's where I'm going right now, in the exact Chanel kung saan ako nagkuwento because of the lindol, 'cause I was alive then. So I'm going there now because I deserve earrings and nako, sa hilong inabot ko naman, let's make it a bag."
And from there, went downhill.
Ibinuyangyang niya ang bag sa kanyang FB wall, nalaman tuloy ng lahat na iyon ang "Side Packs" ng Chanel, kasama ng 2019 Spring/Summer collection na, ayon mismo sa (paki-click ng link) will set you back daw by $10,000.
In the spirit of fairness, siya, sige. Kahit hindi ko alam kung magkano ito sa Japan, sa America, hindi siya eksaktong $10,000, kundi $9,850 (although plus sales taxes pa nito and all, malamang na sasampa pa rin ng $10k) na, according to the latest exchange rate, lumalabas na PHP516,332.73, in pesos—tumataginting na mahigit kalahating milyong piso
Oo na nga at pera niya ang ipinambili, hindi niya ninakaw o inutang, hindi rin kinupit sa kung saan puwedeng kupiting kaban ng bayan. Again, whatever.
Sana lang, hindi niya ipinangalandakan ang bag sa kanyang FB wall. She wanted an expensive something to celebrate life, she deserved it.
Still, it amazes me why she did not choose to just enjoy the luxury in private.
Ang mga namatayan sa Batanes ay madaliang nagpalibing sa kanilang mga patay sa mismong araw ng lindol, dahil wala sila pera para magpa-embalsamo.
'Tapos, may bumili ng Chanel bag na gano'n lang
Ayan tuloy. No’ng nabalitang di siya nakapasok sa MMFF, ano ang general reaction? Most of went like (published as is): "Eh kasi di mrunong magtimpi or gumalang ng confidentiality. Di p pala approved yung change in cast frm derek to gabby eh nagshooting na. At pinost pa nya video na sinurprise nya sa set si Gabby."
Henga naman. ###