Sine Sandaan, banta ng walkout, at ang ending

by Bibeth Orteza
Sep 19, 2019
Nagpunta ang labandera sa Sine Sandaan, na sinalubong ng mga banta ng walkout at boycott. Naganap ito noong September 12 sa Novotel Manila Araneta Center.
PHOTO/S: Courtesy of FDCP

Hello po. Welcome ulit to Labandera Chronicles.

Malakas ang ulan noong isang linggo, di na naman ako nakapaglaba bukod sa nag-alaga pa sa jowang maysakit.

“Excuses, excuses,” dinig kong sabi ninyo.

Anyway, ayun na nga at nag-Sine Sandaan noong isang linggo, Huwebes, September 12.

Kontrobersiyal ang nasabing gabi salamat sa panghuhusga at panlalait ng mga taong pumuna sa mga nagpunta.

Naglabas ng statement ang Directors’ Guild of the Philippines, no’ng mismong araw na iyon: “Today is a milestone in Philippine Cinema. Let us be united in celebrating a truly important event. National Lino Brocka once said that it is 'the supreme duty of the artist to investigate the truth, no matter what forces attempt to hide it… [and] to take the side of any human being who is violated, abused, oppressed, dehumanized.'

"As a symbol that freedom is essential to cinema, that its role is pivotal in defining society, let us wear a black armband at tonight’s celebration. As we celebrate the centennial of Philippine cinema, we urge filmmakers to take a stand for truth and democracy, to denounce historial revisionism and human rights abuses taking place in our society. Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!”

Continue reading below ↓

Hindi pa rin ito katanggap-tanggap para sa ilang nag-ingay, who felt that the best thing for the DGPI to do was to not go at all. Nagbabala ang isang respetableng manunulat na dahil ang pagtitipon ay “propaganda-event” ng kasalukuyang administrasyon, mawawalan daw ng silbi ang mga black armbands na madaling burahin sa photoshop, mas magiging tunay na milestone daw kung hindi na lang magpunta ang mga direktor.

Now, with all due respect to the critics of that night, genuine and otherwise, for the record, nag-usap ang iba-ibang clusters at sumangguni sa iba pang mga grupo na kasama at kadamay sa trabahong pangkultura at sining: Pupunta ba tayo o hindi?

Oo, may mga gustong magboycott sa selebrasyon. Gayunpaman, nanaig pa rin ang nakararaming nagdesisyong makisama sa ngalan ng pagkakaisa—pero may handang pagkilos: may magsusuot nga ng armbands, may natokang magbasa ng statement sa media sa labas ng main hallway kung saan naroon ang programa, may mga magwo-walkout sakaling may dumating na sa pananaw nila ay hindi dapat dumating.

Continue reading below ↓

In short, most of those who decided to go didn’t show up to just simper and behave like well-trained puppies, they went for the industry that was celebrating its 100th year, they went to be with colleagues and friends, while at the same time, ready to express their sentiments loudly and clearly, if the need arose.

At alam ito ng chairman ng Film Development Council of the Philippines na si Liza Diño.

Nabubuo ang mga balak na ganito at gano’n, kung sakali man at hindi, walang isa mang tao o grupo na pinakiusapan si Diño na huwag nang mag-walkout, huwag nang mag-black armband.

Oh, I’d be the first to admit the affair wasn’t perfect, that the program was too long, even longer than the Oscars, that some of the honorees didn’t get to be informed, and etcetera.

Pero, hello, sa cocktails pa lang sa Novotel, solved na. Camaraderie was in the air, the joy in the faces of those who hadn’t seen each other for a long time too palpable to ignore.

Continue reading below ↓

And when the still sizable crowd stood up to give National Artist for Literature Bien Lumbera a standing ovation, when character actors Ronnie Lazaro, Sol Cruz, and Nonie Buencamino hugged on stage, when the names and faces of Ruel Bayani, Louie Ignacio, Jun Lana and Perci Intalan, Dan Villegas, Brillante Mendoza, Joyce Bernal, Joel Lamangan, Chito Roño, my partner in crime Carlitos Siguion-Reyna, Mel Chionglo, Peque Gallaga & Lore Reyes, Laurice Guillen, Fernando Poe Jr., Ishmael Bernal, Lino Brocka, Bert Avellana and Gerry de Leon were shown on the video wall, your labandera was just so happy to be there.

Mabuhay ang Pelikulang Pilipino, indeed!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagpunta ang labandera sa Sine Sandaan, na sinalubong ng mga banta ng walkout at boycott. Naganap ito noong September 12 sa Novotel Manila Araneta Center.
PHOTO/S: Courtesy of FDCP
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results