TV Ratings: MMK episode ni Joem, tinalo ang Magpakailanman episode ng KenRita

IMAGE GMA-7 / ABS-CBN

JERRY OLEA: Wish ko lang na i-replay ng Magpakailanman noong Marso 2, Sabado, ang episode na "Bayarang Adonis: The Kristofer King Story," na pinagbidahan ni Aljur Abrenica.

Noong Sabado kasi ang huling gabi ng lamay ni Kristofer, na inihatid sa kanyang huling hantungan noong Linggo ng hapon sa Manila Memorial Park, Sucat Rd., Parañaque City.

Wishful (and wistful?) thinking iyon. Ang ipinalabas ng Magpakailanman ay ang episode na "Never Give Up: The Ken Chan and Rita Daniela Story."

Ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media, ang KenRita episode ng Magpakailanman ay nagtala ng 16.5%, kontra sa "Mansanas" episode ng MMK na naka-30%.

Ito ang highest rating so far ng MMK ngayong 2019. Si Joemk Bascon ang bida sa episode na ito.

Noong Marso 3, Linggo, nanguna sa Kantar Media ang World of Dance Philippines (ABS-CBN), na naka-31.1%.

Pumangalawa ang Kapuso Mo, Jessica Soho (GMA 7) na naka-26.9%.

Pangatlo ang kalaban ng KMJS, ang Rated K (ABS-CBN) na naka-22.1%.

Ang Gandang Gabi Vice ay naka-10.7%, kontra sa The Boobay and Tekla Show na naka-7.7%.

GORGY RULA: Ang nakuha ko namang rating mula sa AGB NUTAM ay noong Marso 3, Linggo, kung saan lamang ang mga programa ng GMA 7.

Nakapagtala ng 17% ang Kapuso Mo, Jessica Soho, at 9% lamang ang Rated K at 5.1% ang PBB Otso.

Ang The Boobay and Tekla Show (6.7%) ay lamang pa rin sa Gandang Gabi Vice (4%).

Wala pa akong nakuhang rating ng Sabado, Marso 2.

Samantala, sa darating na Sabado, Marso 9, ay ipalalabas na ang episode ng Daddy’s Gurl kung saan guest si Alden Richards.

May banta raw ang ibang AlDub fans na ito na raw ang huling episode na susuportahan. Itutuloy na kaya nila ang kanilang tampo kay Maine Mendoza?

Sana, maintindihan nila ang kalagayan ngayon ng aktres, dahil nagpakatotoo lang siya, di ba?

NOEL FERRER: Sa magkaibang rating system na nakalap ng Troika ay ang Kapuso Mo, Jessica Soho ang consistent ang rating na tinatalo ang Rated K.

Ano kayang mga hakbang ang gagawin para makaagapay ang show ni Korina Sanchez?

At para sa AlDub fans (kasama na tayo roon), susuportahan natin sina Alden & Maine anuman ang gawin nila na maganda—magkasama man o magkahiwalay.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN