JERRY OLEA: Sa tunay na buhay, may Arjo Atayde na si Maine Mendoza.
Hanggang press release pa rin lang ang TV series o pelikula na pagtatambalan muli nina Maine at Alden Richards.
May mga nagsusulong na itambal kay Alden sa pelikula si Kathryn Bernardo.
Sino naman ang Kapuso actress na puwedeng leading lady ni Alden sa susunod niyang TV project?
Si Louise de los Reyes na katambal ni Tisoy sa One True Love (2012) at Mundo Mo’y Akin (2013), Kapamilya na.
Si Marian Rivera na katambal niya sa Carmela (2014), pamilya ang priority.
Si Kylie Padilla na Leonor Rivera sa Ilustrado (2014), katambal na ni Ruru Madrid sa TODA One I Love.
Abala rin ito sa panganay nila ni Aljur Abrenica.
Si Bianca Umali na nagpakitang-gilas bilang co-star ni Alden sa Alaala: A Martial Law Special (2017), bidang sa Sahaya katambal si Miguel Tanfelix.
Si Janine Gutierrez na katambal niya sa telefantasyang Victor Magtanggol (2018), si Tom Rodriguez na ang tagapagtanggol sa telefantasyang Dragon Lady.
E, kung ang GF kaya ni Tom na si Carla Abellana ang i-partner kay Alden?
Andiyan din sina Jasmine Curtis-Smith, Winwyn Marquez, Julie Anne San Jose, Glaiza de Castro, Heart Evangelista, Jennylyn Mercado, Sunshine Dizon, Sanya Lopez, Solenn Heussaff, Sophie Albert, Shaira Diaz, Mikee Quintos, Kate Valdez, Ashley Ortega, Katrina Halili, at Jo Berry.
Sino? Sino ang bet ninyo na itambal kay Alden?
NOEL FERRER: GMA is known for some experimental plotlines sa kanilang mga teleserye kaya we can freely brainstorm.
First, kailangan ba talaga ng love interest, kung telefantasya na lang ulit dahil yun ang kine-claim na competency ng GMA drama, di ba?
Or, why not something like My Husband’s Lover (Book 2) at si Alden ang papasok na bagong character?
Or reverse, a Jack 'N Jill concept na si Alden at Jasmine Curtis-Smith (na walang keber na mag-portray ng lesbian lover) in a gender-bending role.
Pero heto, matatanggap ba ni Alden at ng fans ang reunion ng Alden at Julie Anne San Jose tandem ulit?
Hindi ba’t before Elmo Magalona and Benjamin Alves, si Alden naman talaga ang gusto ni Julie Anne?
Pero parang nauwi yun sa di maganda noon. Baka naman maayos ngayon—sa ngalan ng work.
JERRY OLEA: Patapos na ang Onanay. Ano kaya kung sila ni Nora Aunor ang magbida sa isang teleserye?
Bitin ako sa short film nila na Kinabukasan, na idinirek ni Adolf Alix Jr.
Puwede rin na lalaki ang maka-tandem ni Alden. Di ba, pelikula sana ang Cain at Abel na sina Alden at Aljur ang mga bida?
May butt exposure doon si Alden, di ba?