Aicelle Santos, bumalik na sa Pinas para planuhin ang kasal nila ni Mark Zambrano

by PEP Troika
Mar 5, 2019
Bumalik na ng Pilipinas si Aicelle Santos upang asikasuhin ang kasal nila ni Mark Zambrano ngayong 2019.
PHOTO/S: Noel Ferrer / Instagram

NOEL FERRER: Nagtapos na ang contract ng mga nag-UK tour ng musical na Miss Saigon.

5:22 P.M. nitong Marso 5, Martes, inasahan ang pagbabalik ni Aicelle Santos sa Pilipinas mula UK through Emirates.

2:00 P.M. pa lang yata ay on the way na sa airport ang alaga naming si Mark Zambrano para hindi mahuli sa pagsundo sa kanyang would-be wife after almost a year of being away.

Continue reading below ↓

Ngayon, makakapag-focus na sila sa pagpaplano sa kanilang wedding within the year.

As for Mark, he has started his own digital show, X Marks The Spot.

And very soon, we’ll see him again on television.

As for Aicelle, nandiyan ang dance theater na Tales of the Manuvu na isa siya sa mga aawit.

Nakaabang na rin ang Eat Bulaga! at Studio 7 sa kanya.

Basta, ngayong together again sila after their engagement, aabangan natin ang finalization ng mga plano nila sa kanilang kasal.

GORGY RULA: Sa nalalapit na wedding na naka-focus sina Mark at Aicelle.

Pagkatapos ng wedding, posibleng babalik ng West End si Aicelle sa isang malaking musical na sasalihan niya.

Matutuloy po kaya yun, Sir Noel?

Sinasabi naman noon pa ni Mark na kung gustong bumalik ni Aicelle at ipagpatuloy ang kanyang career sa theatre, hindi niya ito pipigilan.

Pero kung mabubuntis agad, ibang usapan na yun.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Yehey! Naka-survive sila sa LDR (long distance relationship)!

Totoo sa kanila ang kasabihang, “Absence makes thy heart grow fonder.”

Tama si Khalil Gibran—natatanto ng pag-ibig ang lalim nito sa oras ng pagkakahiwalay.

Tunay na ang pagkakahiwalay ay parang hangin—pinapatay ang munting pag-ibig na animo’y kandila, at pinagliliyab lalo ang dakilang pag-ibig na animo’y siga!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bumalik na ng Pilipinas si Aicelle Santos upang asikasuhin ang kasal nila ni Mark Zambrano ngayong 2019.
PHOTO/S: Noel Ferrer / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results