Babae sa viral video scandal, kamukha lang ba ng kilalang aktres?


JERRY OLEA: Nagulantang ako sa natanggap kong video nitong Marso 5, Martes ng gabi.

1 minuto at 40 segundo ang video, na tampok ang isang babaeng kamukhang-kamukha ng isang kilala at seksing aktres.

E, nawala ang cellphone ng kilala at magandang aktres halos isang taon na ang lumipas.

Sa video, nakasalamin ang babae, naka-pink short, mapanukso ang ngiti at pag-inda-indayog sa saliw ng maharot na musika.

Hinubad ng babae ang short at ibinuyangyang ang pinakamaselang bahagi ng kanyang katawang lupa.

Tumuwad-tuwad pa ang babae, at nahagip ng kamera ang kanyang tattoo sa likod.

Bingo! Ang disenyo at puwesto ng tattoo ng babae sa video ay iba sa tattoo ng kilala at magandang aktres.

Sino kaya ang nagpakalat ng video? Demolition job ba iyon laban sa aktres na may bagong manager?

NOEL FERRER: Yung aktres ba talaga yun o kamukha lang niya?

Wala kasing hiya-hiya ang babae sa pagbuyangyang ng kaselanan.

At kanino yung boses na nagmamando sa kanya? Ang partner niya? Talaga? I doubt!

Sa phone ba mismo ng babae naka-save ang video? Bakit? Exhibitionist ba sila ng jowa niya

Nakapagtataka.

GORGY RULA: Di ako kumbinsido na si kilala at magandang aktres yun.

Magkaiba sila ng tattoo sa likod. Kaya malamang na kamukha lang niya.

Pero kung siya man yun, at ikinakalat ng kung sino man, wala naman sigurong intensiyong siraan o demolition job sa kanya dahil wala yatang isisira sa napakatamlay niyang career.

Baka nga muling mag-init ang career niya kapag kumalat at pagpiyestahan ito ng mga tao.

Mas mahigpit ngayon ang Cyber-Law kaya iwan na ang pagkakalat nito!

Pero teka, totoo bang iniaalok ang aktres na ito sa Kapuso network?

 

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN