Mag-amang Robin at Kylie Padilla, salungat ang pananaw sa pulitika

by PEP Troika
Mar 7, 2019
PHOTO/S: James Patrick Anarcon

GORGY RULA: Aminado si Kylie Padilla na pagdating sa pulitika ay magkasalungat sila ng pananaw ng kanyang amang si Robin Padilla.

Sa pocket presscon ng TODA One I Love nitong Marso 7, Huwebes, sa Limbaga 77 restaurant, Quezon City, napag-usapan namin sa tatlong bida na sina Kylie, Ruru Madrid, at David Licauco ang tungkol sa pulitika, dahil may mga patama sa pulitika at nalalapit na eleksyon ang kuwento nito.

Continue reading below ↓

Sabi ni Kylie, parang wala siyang balak bumoto sa darating na mid-term elections dahil sa hindi niya gusto ang nangyayari sa pulitika.

“I just don’t like what’s happening. So, ginawa ko na lang, hindi na lang ako mag-vote,” dIretsong pahayag ni Kylie.

“Mahirap kasi yung wala pa yung kandidato na ‘Wow! Gusto ko siya,’ for me, ha?

“So, sa ngayon, hindi na muna ako,” dagdag niyang pahayag.

Kaya sinundan namin ng tanong na hindi pala siya agree sa sinusuportahan at ipinaglalaban ng kanyang Papa Robin.

“Hindi rin, e. Kasi, babae ako.

"There are leaders that I like very much, pero dahil babae ako… sometimes I feel let down.

"Magkaiba talaga. May hinahanap ako bilang babae sa mga leaders na, feeling ko, hindi ko pa siya naintindihan,” sabi pa ni Kylie.

Continue reading below ↓

Marami silang natatanggap na comments dahil may mga ganoong patama sa kuwento ng TODA.

Napansin nila na very true to life. They’re dropping names of who it is,” sabi pa ni Kylie.

Kaya timely raw ang napapanood sa TODA lalo na’t papalapit na ang mid-term elections.

Hindi pa masagot ng mga taga-TODA kung mai-extend ba sila at aabot hanggang eleksyon.

Na-propose na raw kasi ang extension, pero hindi pa masabi kung hanggang kailan.

JERRY OLEA: Hindi na bago ang pagkakasalungat ng paniniwala ng magkapamilya sa usapin ng pulitika.

Sa Makati City, magkapatid ang magkaagaw sa isang puwesto.

Sa isang lungsod sa NCR, sinusuportahan ng aktor at ex-wife na aktres ang isang mayor.

Ang anak ng aktor na kumakandidato, nasa kalabang partido.

NOEL FERRER: Oo nga, magkaiba man ng politika, nagkakaisang pangarap para sa bayan at sa mga kapatid na Muslim, ‘yan ang sinabi ni Robin Padilla sa kandidatong si Samira Gutoc, na ang sabi’y iboboto niya pero hindi niya maikakampanya.

Continue reading below ↓

Si Kylie kaya, curious ako, sino kaya ang sinusuportahan?

Kita na magkasalungat man sila ng tatay niya sa impresyon kay Aljur Abrenica noong una, ayun at naayos din sa huli!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: James Patrick Anarcon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results