Pagtatambal nina Kathryn at Alden, tanggap ng KathNiel at AlDub fans

IMAGE Kapuso PR Girl Instagram

NOEL FERRER: Tuluy na tuloy na!

Ang balitang una ninyong nabasa sa PEP Troika na pinagduduhan, pinasubalian, at kinutya pa noong una ay matutuloy na—ang tambalang Kathryn Bernardo at Alden Richards, sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina.

Tutungo sa Hong Kong ang grupo para mag-immersion muna sa kultura doon, at doon din kukunan ang malaking parte ng pelikula.

Nakapag-ocular na raw ang team ni Direk Cathy kaya ready na silang i-mount ang story ng millennial OFWs sa Hong Kong.

Strangers na sa HK daw magkakakilala sina Alden at Kathryn sa romance-drama movie na ito na may konting comedy.

Kung masusunod ang schedule, 21 days daw sina Kathryn at Alden sa HK.

So, bakasyon muna si Alden sa Eat Bulaga? So, pahinga muna ang AlDub pairing sa TV? (at least for 21 days)

Di ba, may balita ring pagsasamahin sina Alden at Maine Mendoza sa Lenten Special ng Eat Bulaga?

Para naman di tuluyang magpenitensiya ang AlDub fanatics?

JERRY OLEA: “Five months in the making” bago nagkalinaw ang KathDen movie, ayon kay Roxy Liquigan ng ABS-CBN Star Music.

Noong Oktubre nagsimula ang feelers.

Nitong Enero 2019, nakipag-meet si Ms. Gigi Santiago-Lara (ng GMA Artist Center, nagma-manage sa career ni Alden) sa mga taga-ABS-CBN Star Cinema.

Sabi ni Roxy, “Miss Gigi was so nice. Madali at magaang kausap.”

Matapos magtagpo at mag-storycon sina Kathryn at Alden nitong Marso 12, Martes, ay nag-look test na sila.

Natutuwa ang mga taga-Star Cinema na positibo ang halos lahat ng feedback na nakarating sa kanila.

Napangiting sambit ni Roxy, “Andaming AlDub fans ang nag-follow sa akin sa social media.

"Nakakatuwa, this early, ang fans ng KathNiel at AlDub, nagpaplano na ng block screenings.

“Magpaparamihan sila!”

GORGY RULA: Sobrang natuwa si Alden sa mainit na pag-istima sa kanya ng mga taga-ABS CBN. Napakabait daw sa kanya.

Kaya ang suwerte raw niyaNG pagkatapos kina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado, siya ang susunod na Kapuso artist na kinuha ng Star Cinema.

Isa iyan sa ipagpapasalamat ni Alden sa biyahe nilang EB Dabarkads sa Holy Land.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN