Alden Richards at Maine Mendoza, di magsasama sa Lenten special ng Eat Bulaga

IMAGE @aldenrichards02 Instagram

JERRY OLEA: #ADN191stWeeksary ang pa-hashtag ng AlDub Nation sa ika-191 weeksary nina Alden at Yaya Dub.

May mga hopia na magkasama sina Alden Richards at Maine Mendoza sa isang Lenten presentation ng Eat Bulaga!

"Nope," text back ng isang TAPE insider na inurirat ko nitong Marso 13, Miyerkules ng 1:35 P.M.

May umaasam na magtambal muli sina Alden at Maine, maski na sa The 700 Club. 

Pero tila malabo pang masundan agad ang acting project na magkasama ang dalawa, matapos ang guest appearance ni Alden sa Kapuso sitcom na Daddy's Gurl, na pinagbibidahan nina Maine at Vic Sotto. 

NOEL FERRER: By this time ay nakasunod na si Alden Richards sa Holy Land vacation ng Eat Bulaga! Dabarkads.

Doon na lang sana magpista ang mga maka-AlDub sa mga pictorial nila sa biyaheng 'yan!

[instagram:https://www.instagram.com/p/Bu8POY2lyAA/]

GORGY RULA: Ang tingin ng karamihan ay nabuwag na ang AlDub dahil sa relasyong Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Sabi naman ni Arjo, tingin niya ay nandiyan pa rin ang AlDub dahil personal ang sa kanila ni Maine.

Labas daw ito sa love team nina Alden at Maine.

Kaya hayaan na nating mag-celebrate ang AlDub ng weeksary nila. Trip nila iyan!

Samantala, kung meron nang tambalang Kathryn Bernardo at Alden, posible rin daw magsama sa isang pelikula sina Arjo at Maine.

Gustung-gusto raw ni Arjo na magtambal sila ni Maine sa isang pelikula, pero huwag daw muna ngayon. Sa tamang panahon siguro.

Pero narinig ko namang may binabalak daw na isa pang pelikula kay Alden na kung saan ipa-partner siya sa isang sikat na singer-actress.

Ayaw lang muna nilang pag-usapan ito sa ngayon dahil focus muna tayo sa pelikula nila ni Kathryn.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN