Anton Diva, inabot ng madaling araw sa pagkanta sa lamay ni Chokoleit

IMAGE Jerry Olea

JERRY OLEA: Tatlong beses natigil ang pagkanta ni Anton Diva sa tribute kay Chokoleit, nitong Marso 14, Huwebes, sa Paket Santiago Funeral Homes, Marcos Hi-way, Antipolo City.

Si Anton Diva ang nag-host ng Paalam, Chokie, ang tribute ng ABS-CBN Star Magic matapos ang misa—kung saan naunang mag-eulogy sina Pokwang, Vice Ganda, K Brosas, at Pooh.

"Parehong June ang birthday namin ni Chokoleit. Ang zodiac sign ko, Gemini. E, siya, June 25, ang birthday. Iba na ang zodiac sign.

“Ang sabi niya, ang zodiac sign niya—Cockroach," balik-tanaw ni Anton sa kuwelang hirit sa kanya ni Chokoleit noon.

Nagpaalam si Anton Diva na aalis na siya at raraket muna, pero babalik later matapos ang trabaho niya.

Bago siya umalis ay kumanta muna siya ng "Leader of the Band."

Hindi niya talaga kinakanta iyon, pero gusto iyon ni Chokoleit, kaya iyon ang napili niyang kantahin para rito.

Iyon na! Tatlong beses naudlot ang pagkanta ni Anton Diva. Tumitigil ang background music. Senyales kaya iyong ayaw siyang paalisin ni Chokoleit?! Bumabu na lang siya.

Makalipas ang ilang oras, bumalik sa burol si Anton Diva para sa 3:00 a.m. prime-time show, entitled Salamat, MNR—na pagpupugay ng stand-up comedians kay Chokoleit, na kinilala nilang "Mahal Na Reyna."

Nasa front row ng audience sina Vice Ganda, Pokwang, K Brosas, Pooh, Gladys Guevarra, at Teri Onor. Nandoon pa rin si Ryan Bang. At 3:23 a.m., dire-diretsong nakanta ni Anton Diva ang "Leader of the Band."

NOEL FERRER: We shall remember him with all these happy “cockroach” memories!

Salamat, Chokie, sa pagpapasaya mo sa aming buhay!

GORGY RULA: Nakakatuwa ang pagmamahal ni Vice Ganda kay Chokoleit.

Bukod sa sinagot niya ang dinner at midnight snack sa Thursday night, March 14, na burol, ibinigay niya ang buong magdagmag sa huling gabi ng lamay, kahit may It's Showtime pa siya kinabukasan.

Dito napatunayan kung anong klaseng kaibigan si Chokoleit dahil sa ibinuhos na pagmamahal mula sa mga kaibigang komedyante!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN