FAMAS 2019: JaDine at Daniel, nominado; Kathryn, inisnab

by PEP Troika
Mar 18, 2019
PHOTO/S: Star Cinema / Viva Films

JERRY OLEA: Sampu (10) ang nominadong best actress sa 67th edition ng FAMAS, na gaganapin sa Abril 28 sa Meralco Theater.

Kabilang riyan si Nadine Lustre (Never Not Love You), at ang transwoman na si Iyah Mina (Mamu, And A Mother Too).

Labing-isa (11) ang nominadong best actor, kabilang sina James Reid (Never Not Love You) at Daniel Padilla (The Hows of Us).

Opo! Nominado ang JaDine!

Si Kathryn ang isinusulong sa THOU, pero si Daniel ang nominado!

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Nagngingitngit ang ibang rabid supporters ni Kathryn Bernardo na umaaasa ng kahit nomination man lang para sa kanilang idolo.

Bakit kanyo, gusto kasi nilang bumawi sa reviews dati sa Barcelona na si Daniel ang lumutang at pinarangalan.

Kaya noong promo ng The Hows Of Us ay naka-skew ang publicity sa pagiging aktres ni Kath—with even Daniel saying na pelikula ni Kath at ang galing nito sa THOU.

But now, the critics and practitioners of the FAMAS group have spoken.

It’s Daniel’s showcase of his acting maturity still.

At sa Young Critics Circle naman, it’s Nadine Lustre na nagwagi as Best Performer!

Despite her many school-based awards and others, kailan kaya mami-meet ni Kathryn ang pamantayan ng mga kritiko?

Baka naman sa KathDen movie na magsusyuting sa Hong Kong? Sana!

GORGY RULA: Best actress ng Cinema One Originals filmfest si Iyah Mina.

Continue reading below ↓

Nagkaisyu nang inilagay ng 3rd GEMS: Hiyas ng Sining si Iyah sa Best Actor category.

Ngayon naman sa FAMAS, Best Actress nominee siya.

Ano ba? Ang gulo, ha?! Pero keber ng madla riyan!

Mas pag-uusapan itong pagkaligwak kay Kathryn Bernardo sa naturang kategorya dahil magaling doon si Kathryn, e.

Continue reading below ↓

Pero magaling din si Nadine Lustre, lalo na si James Reid sa Never Not Love You na maganda ring pelikula para sa millennials.

Pero okay lang na hindi na-nominate si Kathryn. Wagi naman sila sa box office.

Ano ang magagawa ng award kung hindi naman kumita ang pelikula mo?

At sa panahon ngayong may krisis ang ating movie industry, may maitutulong ba itong mga award-award na ito? Mas kailangan natin ang mga pelikulang hit sa takilya!

JERRY OLEA: Nominado ang tatlong bida ng pinakagusto kong Cinemalaya 2018 movie na Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon—Perla Bautista para best actress, Dante Rivero para best actor, at Menggie Cobarrubias para best supporting actor.

Nominadong best actress si Glaiza de Castro para sa Cinemalaya 2018 movie na Liway.

Pero ang best actress ng Cinemalaya 2018 na si Ai-Ai de las Alas (School Service), ligwak.

Nominado ang CarGel ng Exes Baggage—Carlo Aquino para best actor, Angelica Panganiban para best actress.

Continue reading below ↓

Nominadong best actress si Anne Curtis para sa Sid & Aya: Not A Love Story, pero ang leading man niyang si Dingdong Dantes ay hindi pumasa sa pamantayan ng FAMAS.

Nominado ang best actress ng QCinema International Film Festival na si Marietta Subong aka Pokwang para sa Oda sa Wala.

Best actor ng QCinema si Eddie Garcia para sa Hintayan Ng Langit, pero nominado siya sa FAMAS ay para sa Cinemalaya 2018 movie na ML. (Best actor siya sa Cinemalaya for that performance.)

Teka! Na-elevate na si Eddie sa Hall of Fame ng FAMAS bilang best actor, best director, at best supporting actor, di ba?!

So, bale-wala na ang Hall of Fame?!

Best actress nominees din ng FAMAS sina Judy Ann Santos (Ang Dalawang Mrs. Reyes), Sarah Geronimo (Miss Granny), at Gabby Padilla (Billie & Emma).

Ang iba pang best actor nominees ay sina Alwyn Uytingco (Asuang), Victor Neri (A Short History Of A Few Bad Things), JM de Guzman (Kung Paano Siya Nawala), Mon Confiado (El Peste), Christian Bables (Signal Rock), at Ybes Bagadiong (Dog Days).

Continue reading below ↓

Deadma rin ang FAMAS sa mga artista ng Rainbow’s Sunset!

Sa mga artista ng MMFF 2018 officials entries, walang nagkamit ng acting nomination.

Dalawa lamang sa MMFF 2018 entries ang pinansin ng FAMAS—Aurora para sa kategoryang best visual effects, at Rainbow’s Sunset para sa best original theme song.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Star Cinema / Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results