Showbiz personality, nakipag-areglo sa kasambahay na nagdemanda sa kanya


GORGY RULA: Sabi nila, lahat na ginagawa mong di maganda sa kapwa ay pagbabayaran mo. Totoo nga!

Malaki raw ang ibinayad ng isang kilalang showbiz personality sa kanyang kasambahay na nagdemanda laban sa kanya.

Napilitan na raw kasi itong si kasambahay na magsampa ng reklamo laban sa amo niyang showbiz personality dahil sa pagmamalupit sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinakita ng mga kasamahan ni kasambahay ang mga litrato sa aming source.

Nagimbal ang aming source sa mga pasa sa katawan ng kasambahay.

Hindi nila alam kung anong klaseng pananakit ang inabot ni kasambahay, bakit puro pasa ang katawan.

Lalo na sa may binti nito, grabe ang mga pasa gawa ng pananakit sa kanya.

Hindi ko lang nakuha ang mga kasong isinampa, pero sa Quezon City Prosecutor’s office daw ito nagdemanda laban sa among showbiz personality.

Pero bago ito umakyat sa korte at lumabas sa publiko, nakipag-areglo na si showbiz personality sa dating kasambahay.

Malaking halaga raw ang ibinigay para sapat na puhunan sa isang maliit na negosyong sisimulan ni kasambahay sa probinsiya.

Kaya tahimik na ngayon, at hindi na natuloy ang kaso.

Sana nga, tahimik na at wala nang kasunod na demanda kung itigil na ni showbiz personality ang pagmamalupit sa kanyang mga tauhan.

JERRY OLEA: Marami-rami nang taga-showbiz ang nasangkot sa ganyang isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maaaring sobrang nai-stress o may psychological problem iyong mga taong walang pakundangan kung saktan ang kanilang kasambahay.

Sisingaw at sisingaw ang totoo.

Kaya hangga’t maaari, kontrolin mo ang iyong galit upang hindi ka masadlak sa sitwasyong pagsisisihan mo.

NOEL FERRER: In fairness, mabait sa akin 'yang showbiz personality, ha?!

Ang sukatan ko talaga sa kabaitan ay dapat mabait din sa pinakamaliit na tao.

Baka kailangan lang ng love life nitong personality na ito, ano sa tingin ninyo?


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN