Snooky Serna, muling namayagpag ang showbiz career

by PEP Troika
Mar 24, 2019
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA: Natutuwa si Snooky Serna sa magandang feedback na natatanggap niya sa kanyang pagganap bilang Salida sa bagong drama series ng GMA Telebabad na Sahaya.

“Nagulat ako, it was more than just a supporting role.

“Siya yung pivotal dun sa ano, e… siya yung main antagonist e,” pahayag ni Snooky nang nakausap namin sa mini-presscon ng Sahaya nitong Marso 24, Linggo, sa Papa Kim’s, Tomas Morato Ave., QC.

Continue reading below ↓

Ayaw na sana ng Kapuso actress na parang pagsabungin pa sila ni Maricel Soriano na nasa The General’s Daughter na katapat ng Sahaya.

Tapos na raw sila sa ganoong intrigahan, kaya baka ipagkibit-balikat lang daw ito ni Marya.

Pakli niya, “Ayoko nang patulan yun. We’re too old for that na.

“Maricel naman is so smart.

“Kumbaga, she knows how the business is naman. So, it’s beyond her.

“Wala yan, pagtatawanan na lang ni Maricel yan, yang mga ganyan.”

Pero hindi lang si Maricel ang katapat ng programa niya, kundi ang dating ka-loveteam din niyang si Albert Martinez.

Iba ang ngiti ni Snooky nang mabanggit si Albert, at aminado siyang kinikilig pa rin siya sa dating ka-loveteam.

“In a way… siyempre ang guwapo-guwapo pa rin naman ni Albert up to now, hindi nagbabago,” napapangiti niyang pahayag.

Hindi raw kasi nawawala ang unang lalaking minahal niya.

“First love never dies naman.

“I mean, I can honestly say this with all my love to Vice Governor Ramon Villarama.

Continue reading below ↓

“Kasi yung first love, may ibang kilig yan e,” sabi pa ni Snooky.

Si Albert ba ang kanyang ‘one great love?'

Napatango si Snooky.

Kung si Albert ang kanyang one great love, si Ricardo Cepeda, ang unang lalaking pinakasalan niya, ang masasabi niyang ‘one true love,' at ang kasaluyang karelasyon niyang si dating Vice Governor Ramon Villarama ay itinuturing niyang ‘forever love.’

JERRY OLEA: Hindi nawawalan ng project si Snooky.

Kasama siya sa Kapuso primetime series ni Bianca Umali na Sahaya, at sa launching movie ni Kyline Alcantara na Black Lipstick.

Hindi aware si Snooky na may rivalry sina Bianca at Kyline na nagbida noon sa teleseryeng Kambal Karibal.

“Hindi ko nakaeksena si Bianca sa Sahaya, pero nakasama ko na siya sa pictorial,” lahad ni Snooky nang mainterbyu namin sa storycon ng Black Lipstick noong nakaraang Linggo, Marso 17, sa The PARC Foundation, San Juan City.

“'Tapos, may mga eksena siya na kinukunan na hindi naman ako kasama pero same day calltime.

Continue reading below ↓

“Kumbaga, pareho kaming nasa shooting on that day.

“So, nakakachika-chika ko si Bianca.

“And all I can say is that she’s very humble. Down-to-earth, ha, sa aking palagay.

“And magandang bata. Ang ganda-ganda ng mukha! Striking!”

Doon lang sa storycon na-meet ni Snooky si Kyline, at nang masipat niya ito nang husto nang kunan silang dalawa ng litrato na magkatabi, ang sabi ng veteran actress, “You have beautiful eyes!”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results