Joross Gamboa, kasama sa KathDen movie na isu-shoot sa Hong Kong

IMAGE Joross Gamboa Instagram


NOEL FERRER: Hindi talaga maiwan at matanggihan ng alaga nating GEMS Awardee for Best Actor (Single Performance) na si Joross Gamboa si Kathryn Bernardo.

Nagpahapyaw si Joross sa Instagram nitong Marso 26, Martes, “Bakit kaya ako may working visa sa Hong Kong?” at naka-tag pa si Kathryn.

View this post on Instagram

Bakit kaya ako may working visa for HK ???????? @bernardokath ????????????‍??????

A post shared by Joross Gamboa&Katz Saga-Gamboa (@joross_gamboa) on

Siyempre, inisip na ng mga tao na kasama si Joross sa gagawing pelikula ni Kathryn with Alden Richards under Direk Cathy Garcia-Molina sa Hong Kong.

Pagkatapos ng role niya sa FPJ’s Ang Probinsyano, open si Joross sa susunod na magagandang assignments.

Sayang at may nauna na siyang schedule nang dumating ang offer ng Eat Bulaga! sa kanya para sa Lenten special with Maine Mendoza and Paolo Ballesteros.

“Sayang, dahil masasabi ko sanang nakatrabaho ko ang AlDub kung nagkataon,” sabi ni Joross.

May ibang chance pa naman sana. In any case, April will be spent working in Hong Kong.

Originally, kasama dapat ng pamilya niya si Sandara Park sa bakasyon sa South Korea, pero dahil sa tawag ng trabaho, sa Hong Kong na lang susunod ang pamilya ni Joross para bisitahin siya habang nagsu-shoot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi makatanggi si Joross sa kaibigan niyang si Direk Cathy, na ang pangako sa kanya na, hangga’t maaari, kasama si Joross bilang lucky charm sa mga natitirang gagawin niyang pelikula bago ito mag-retire.

GORGY RULA: Punta na tayo sa Hong Kong!

Hindi lang ako sure, pero kinakausap na rin kasi ang alaga naming si Benjie Paras na gaganap yatang ama ni Kathryn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Nay Lolit Solis, baka meron din siyang ilang shooting days sa Hong Kong. Kaya sugurin na natin sila roon!

Alam ko, binakante na ang dalawang linggo ng Abril ni Alden para sa pelikulang yun.

JERRY OLEA: Tumpak na pak ganern!

Maski si Manay Lolit, excited na sumugod sa HK para sa KathDen shoot.

“Ano pa nga at lucky me dahil kasama si Benjie Paras!” text back ni Manay Lolit nitong Marso 26, Martes ng tanghali, nang uriratin ko kung magse-set visit siya sa Hong Kong.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN