FPJ's Ang Probinsyano, inuumaga ng taping dahil sa umaalis na cast members

by PEP Troika
Mar 28, 2019
PHOTO/S: @dreamscapeph Instagram

NOEL FERRER: Inumaga at putok-araw na ang tapos ng taping ng FPJ’s Ang Probinsyano, nitong Marso 28, Huwebes, dahil for airing ang mga kinunang madugong eksena.

Bukas na kasi ang simula ng local campaign period para sa May 2019 elections, kaya sunud-sunod na ang tsugihan ng mga tatakbo sa posisyon.

Continue reading below ↓

Partikular na sina Jhong Hilario (aka Alakdan), na tatakbong konsehal sa Makati City, at si Edu Manzano (aka President Lucas), na kumakandidatong kongresista sa San Juan City.

Pero ang FPJ’s Ang Probinsyano, mukhang hindi pa talaga mawawala—not this year, I heard.

At ang role ni Lorna Tolentino na six days lang sana, nandiyan pa rin. Very powerful at effective, ha?!

Continue reading below ↓
Recommended Videos

JERRY OLEA: Lumutang noon na kesyo tatapusin na ang FPJ’s Ang Probinsyano sa ikatlong anibersaryo nito, noong Setyembre 2018.

Kesyo papalitan ito ng The General’s Daughter ni Angel Locsin.

Na-extend ang teleserye ni Coco Martin, at umugong na kesyo hanggang Pebrero 2019 na lang ito.

Ikinakasa na raw ang susunod na teleserye ni Coco na FPJ’s Batang Quiapo.

Pero na-extend na naman ang FPJ’s Ang Probinsyano, at ang sabi-sabi eay hanggang Hunyo o Hulyo na lang ito.

Pero mukhang mauuna pang matigok ang teleserye ni Angel.

GORGY RULA: Kaninang umaga ay kausap ko si Lorna, pauwi pa lang siya.

Continue reading below ↓

Nanibago na siya sa magdamagang taping. Kaya ipapahinga niya ngayong araw.

Mamayang gabi kasi, aalis pa-Amerika si John Arcilla kaya kailangan nilang tapusin ang mga eksenang kailangan.

Sa Kara Mia ng GMA-7 na katapat ng FPJ’s Ang Probinsyano, mas type pala ng mga manonood na magkahiwalay sila at nag-aaway.

Saka mabuti na iyang magkahiwalay sila dahil mukhang mahirap talagang i-execute ang mga eksenang magkadikit silang dalawa.

Parang mauubos lang ang araw nila sa kasu-shoot nang magkadikit sina Barbie Forteza at Mika de la Cruz.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @dreamscapeph Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results