Lolit Solis, dawit sa utang issue ni Claudine Barretto kay Jinkee Pacquiao?

IMAGE Instagram


JERRY OLEA: Makailang-ulit nabanggit nina Manay Lolit Solis at Tita Cristy Fermin sa Facebook Live nila nung Martes ng tanghali, March 26, na kesyo may utang si Claudine Barretto kay Jinkee Pacquiao.

Sa Instagram Live ni Claudine nitong Marso 27, Miyerkules ng gabi, nag-comment si Jinkee: “Mare, ipapaalam ko lang sa kanila na wala kang utang sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At wala din tayong business.

"Masaya ako na friends tayo at kumare kita. I love u mare!"

Reaksyon ni Gretchen Barreto sa comment ni Jinkee, “Thank you so much for clearing this issue.

"I will be forever grateful to you. I am not blaming my friend tita cristy fermin & tota Lolit." 

Dagdag ni Gretchen, nagsagawa ang kanilang kampo ng imbestigasyon at napag-alaman nilang si "Marjorie Barretto" ang diumano'y nagpapakalat ng "utang issue" ni Claudine.  

"Low blow," patutsada pa ni Gretchen. 

Mahaba ang hanash ni Manay Lolit sa hiwalay nitong Instagram post tungkol sa isyu sangkot sina Claudine, Gretchen, at ang nadadawit na si Jinkee.   

View this post on Instagram

Naku ha hindi ko kaya powers ni Gretchen Barretto Salve. Ano ang magagawa ng isang 72 years old powerless na senior citizen na tulad ko sa isang very powerful, mayaman at reyna ng kagandahan tulad ni Gretchen? Siyempre ang manginig sa takot dahil hindi mo alam how far Gretchen will go sa threat niya sa isang powerless, moneyless old woman na tinatawag niyang Tota Lolit. Cute ni Gretchen ha, hindi ko akalain kahit galit siya hindi nawawala ang wit niya para maisip ang Tota Lolit. At least, dahil dog lover ako, bagay sa akin. Well, I cannot simply say SORRY dahil siyempre baka hindi niya tanggapin. So whatever Gretchen feels to do with a powerless, moneyless, old senior woman like me, tanggapin ko na lang. Kung saan puwede humantong galit niya, what can I do ? Sleepless nights and stress might kill me, but ito usually ang payment sa ginawa mo na hindi matanggap ng iba, so Take It Per Minute, kung anuman ang mangyari. Hay naku, when you are 72, life is like a chocolate, you don't know what flavor you will get inside the box of different flavors, bitter, sweet, sour or dark or white. #classiclolita #takeitperminute #72naakosamay

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Nang i-text ko siya para hingan ng komento, ang hirit ng 72-anyos na talent manager, “Hay naku ako ay isang powerless, moneyless, walang gandang senior citizen na walang laban sa powerful, mayaman at goddess na Greta, ‘noh?!”

So, vindicated si Claudine?

“Ewan ko dahil wala pala siyang utang. Ako na lang ang uutang at hindi ko babayaran,” banta ni Manay Lolit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kanino siya uutang? Kay Jinkee?

“Sa kanilang tatlo at hindi ko pay! Hah hah!”

Kung pipili siya ng uutangan kina Jinkee, Gretchen, Claudine, o Marjorie?

“Naku, itanong ko muna kung sino pinakamadatung.”

Sa kanilang apat na lang para fair?!

Pabirong saad ulit ni Manay Lolit, “Oo nga at lahat, tatakbuhan ko!”

Lungkut-lungkutan pa naman daw si Manay Lolit sa pagkamatay ng paborito niyang aso na si Tiny na katabi niya sa pagtulog.

'Tapos, may ganitong isyu na bumabagabag sa kanyang puso at kaluluwa.

“Sure ako, Tiny is watching over me kaya nga hindi ako nagalit nang tawagin ni Greta na 'Tota Lolit.' Feeling ko, isa akong tuta. Hah hah!”

NOEL FERRER: Hahantong talaga sa demandahan? Hindi naman siguro. Love. Love. Love.

GORGY RULA: Malamang na typo error lang iyung ‘tota lolit’ na comment ni Gretchen sa Instagram post ni Claudine.

May iba pa siyang mali-mali roon, e.

Doon sa Instagram Live ni Claudine, may binanggit pa si Gretchen na may tumawag daw kay Claudine ng madaling-araw, at narinig pa raw ang boses ng ex-mayor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang sa pinapalabas na si Marjorie ang kumausap sa kanyang kapatid.

Sabi pa nilang magkapatid, meron pa silang sasabihin isa sa mga araw na ito.

Kaya mukhang may kasunod pa silang Instagram Live na mala-presscon at mga pasabog na ilalahad.

Mukhang magkakaroon ng regular talk show itong magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN