Sylvia Sanchez, di pa nakikilala nang personal si Maine Mendoza


GORGY RULA: Hanggang ngayon ay hindi pa pala naipakikilala ni Arjo Atayde si Maine Mendoza sa kanyang ina na si Sylvia Sanchez.

Nabanggit noon ni Arjo na pumunta siya sa bahay ni Maine sa Bulacan, at humarap siya sa mga magulang ng Eat Bulaga! phenomenal star.

Ang susunod na gagawin ng Kapamilya actor ay ipakilala niya si Maine sa kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napag-usapan kasi namin ni Sylvia Sanchez sa story conference ng OFW The Movie nitong Marso 28, Huwebes, na hindi talaga nagtutugma ang schedule ng pagkikita nila ni Maine.

“Hindi pa kami nagmi-meet ni Maine. Hindi pa kami nagkatagpo talaga, promise.

“Sabi naman ni Arjo, sinabihan na niya ako, ‘Mom, soon ipapa-meet ko na sa inyo si Maine,’” kuwento ng Kapamilya actress.

Kaya gusto nang makilala ni Sylvia si Maine, dahil nakikita niyang sobrang saya ng kanyang anak sa ngayon, at alam niyang si Maine ang dahilan.

“Masaya yung anak ko. Sobrang saya ng anak ko, nakikita ko.

"Saka nag-iba yung glow niya ngayon, iba," napapangiting pahayag ni Sylvia.

NOEL FERRER: Hindi pa man naipapakilala, labis na ang pagtatanggol ni Sylvia kina Arjo at Maine sa bashers.

Mukhang formality na lang siguro yun dahil tila pabor si Sylvia kay Maine dahil sa magandang epekto nito sa anak niyang si Arjo.

So, good begets good. Love, love, love lang lagi!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JERRY OLEA: Magtatagpo sina Sylvia at Maine sa tamang panahon.

If ever, ise-celebrate kaya ng ArMaine Nation (AMN) ang weeksary o monthsary?


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN