Max Collins, nasasarapan sa pagsampal kay Jason Abalos

Jason Abalos, aminadong masakit ang mga sampal ni Max Collins.
by PEP Troika
Mar 30, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA: Mag-asawa sina Jessie (Max Collins) at Brylle (Jason Abalos) sa bagong Kapuso teledrama na Bihag.

Ang hitad na si Reign (Sophie Albert) ay kabit ni Brylle, at nakipagkaibigan kay Jessie.

Siyempre, mabubuking ni Jessie ang pagtataksil ni Brylle. Maraming sampalan at intense na eksena!

Masarap bang sampalin si Sophie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Masarap sampalin si Jason!” mabilis na tugon ni Max sa mediacon nitong Marso 25, Lunes, sa GMA Network Center, Timog Avenue, Quezon City.

“Si Jason yung masarap. Kasi, kami ni Sophie, nakakatawa.

"After pagkasampal, ‘Sorry, sorry! OK ka lang? OK ka lang? Nasaktan ka ba?’

“Si Jason, talagang go! Go! OK lang sa kanya. Kahit namumula na yung pisngi niya, go! Go!”

Na-imagine ba niya na sa totoong buhay ay kinakaliwa siya ng asawang si Pancho Magno?

“Oh my gosh!” natatawang bulalas ni Max.

“Siguro, dahil sa galit ko, minsan late na nakukunan iyong mga eksena namin ni Sophie, so doon ko parang inilalagay yung emotion ko.

“Na parang... gusto ko nang umuwi! Bilisan mo! Ayusin mo!

“So, parang ganun. Mas napi-feel ko siya pag ganun.

“And magaling kasi si Sophie, e. Maiinis ka sa kanya!

"Naiinis ako sa kanya pag kinakausap niya ako, ‘Ano?’ “Nakakainis siya. Mas madali siyang sampalin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Love na love ko siya, pero sa role, nakakainis yung role niya!”

Mapapanood ang Bihag umpisa Abril 1, Lunes, 3:25 P.M., pagkatapos ng Dragon Lady sa GMA-7.

GORGY RULA: Nahiya na lang yatang magreklamo si Jason, pero talagang masakit daw ang mga dumadapong sampal sa kanya ni Max.

Madaling-araw pa raw minsan, na pagod ka na at hirap nang umarte, 'tapos nasasampal ka pa nang bonggang-bongga.

"Si Max kasi, talagang dalang-dala niya ang role niya sa Bihag hanggang bahay nila, at pati tuloy si Pancho ay apektado rin.

NOEL FERRER: This is Max’s project after winning the MMFF Special Jury Award for Rainbow’s Sunset, and critical acclaim for Citizen Jake.

The expectation on her is great but I’m sure she’ll do well and will deliver!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results