Dalawang young actors, hindi talo sa pinormahang singer-actress


JERRY OLEA: Nabighani ang dalawang young actors sa co-star nilang singer-actress sa isang prime-time series.

Ang isang young actor ay matangkad, at anak ng showbiz couple.

Ang isa pang young actor ay hunkilicious, at sadyang matulis.

Pareho silang tisoy at malakas ang appeal.

Pareho rin silang hindi nakaporma sa gandarang singer-actress, dahil hindi sila talo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala sino man sa kanila ang nagtataglay ng makapagpapasaya sa singer-actress, na ang paboritong ulam ay lengua estofada.

Napangiti na lang ang dalawang young actor nang mabalitaan nilang nakikipagmabutihan si singer-actress sa seksi-seksihang model, na pam-beauty queen ang alindog.

Ang seksi-seksihang model ay mag-aartista na rin, at makakatrabaho pa ng hunkilicious young actor.

Kung magaling lumangoy ang young actor, ang seksi-seksihang model ay magaling sumisid.

NOEL FERRER: Love wins, katulad na lang ng gay couple na nag-kiss sa Eat Bulaga! kahapon at tsini-cheer pa ng kinikilig na audience.

Sa It’s Showtime naman ay sina Vice Ganda at Kuya Escort Ion Perez ang may ganyang pasiklab.

Sa tingin ninyo, darating din ba ang panahong aamin si singer-actress na isa siyang tivoli bumblebee?

Paano kaya magre-react ang model-actress na anak ng kilalang gay icon ng bansa na may kapatid ding bading?

Indeed, it’s a gay world after all!

GORGY RULA: Matagal nang pinag-uusapan iyan, at natanong na silang dalawa tungkol diyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napangiti na lang si matangkad na young actor nang tinanong kung aware ba siya sa sexual preference ni singer-actress.

Hindi man nila itinuloy ang panliligaw, naging barkada na nila si singer-actress na parang one of the boys na ang turingan nila.

Walang nangahas na magtanong kay singer-actress tungkol sa isyung ‘yan.

Pati kay seksi-seksihang model ay natakot din ang media people na itanong ang tungkol diyan sa storycon ng kanyang movie kamakailan.

Siyempre, takot ding bibinyagan siya ng ganoong intriga at baka sugurin tayo ng Ingleserang ina.

Saka tanggap natin kung ano man ang trip nila.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN